Isinuot ko ang takong at naghanda na para rumampa. Medyo kinakabahan ako pero nangingibabaw pa rin ang saya. Sa pamamagitan nito, feeling ko para akong ibon na nakawala sa hawla.
Tapos na ang lahat at hinihintay na lamang ang resulta.
Napangiti ako nang ako na naman ang nagwagi sa laban. Nag-uumapaw ang lahat ng saya na aking nararamdaman.
Sabik akong umuwi para ipamalita sa aking pamilya ang magandang resulta. Habang nasa sasakyan, heto na, kinakabahan na naman ako.
Sa pagbaba ko ng sasakyan ay ang paglingon at pagnganga nila. Kinatok ko na ang pinto, habang may nararamdaman pa rin akong kaba.
Sa pagbukas nito ay sumalubong sa akin si Ina.
"Wala ang iyong Itay." Sambit niya kaya nakahinga ako ng maluwag pero meron parin akong halong lungkot na nararamdaman.Papasok na sana kami ng biglang...
"Valeriano, bakit ganiyan ang iyong itsura?" Sambit ng aking amang sundalo.At nagbalik na naman ang aking matinding kaba.
BINABASA MO ANG
DAGLI
Short Story×Flash Fiction× Iba't ibang halimbawa ng dagli na mula sa imahinasyon ng may akda. Huwag mag-expect ng malaki dahil maaaring malaki rin ang chance na masaktan ka. (COMPLETED)