Sandata 028

1.2K 41 0
                                    

Pinalakpakan ako ng aking mga kaklase.
Tinanong nila kung ano ang tinatago kong sikreto kung bakit palagi akong masaya kahit na ang dami kong problema.

Sinabi ko sa kanila na ito ay sikreto kong lubos.
Sandata ang panlaban ko sa unos. Walang makakatalo dahil ito ay espesyal at malakas. Lagi ko ring dala ang sandatang ito kahit saan ako magpunta.

Isang araw bago ako pumasok sa iskwela ay may sinabi muna ang mahal kong Ina "Laging mo sanang tandaan ang pangaral ko sa'yo, isapuso mo lang ito, mahal kita, mag-iingat ka." Napangiti na lang ako at naiusal sa sarili ang walang katapusang payo ni Ina habang may ngiti sa aking mga labi, baon ko na naman ang aking sandata.












DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon