Tuldok 029

1.1K 40 0
                                    

Uminom ako ng juice dahil sa stress o baka depress na nga yata ako. Nandito nga pala ako ngayon sa loob ng kwarto ko at kasama si Carlo, tutor ko sa pilipino.

Tinuturuan n'ya ako kung saan ko ba tamang ilagay ang kuwit o tuldok. Alam ko naman yun eh, pero kailangan kong magpanggap na slow para makasama ko pa s'ya.

Marinig ko lang ang boses n'ya, masilayan ko lang ang napakagwapo n'yang mukha, o kahit masigawan n'ya ako araw araw. Ok na yun, at least nakakasama ko pa rin s'ya.

Martyr na kung martyr pero sinubukan ko namang umiwas sa pana ni kupido kaya lang nabigo ako.

"Alam mo na ba?" Tanong n'ya.

Syempre naman, basic lang kaya yan. Nais ko sanang sabihin ang mga katagang yan pero hindi pwede dahil kapag ginawa ko yun, hindi ko na s'ya magiging tutor.
At ayokong mangyari yon.

"Uhm medyo nalilito pa ako" turan ko na kunwari ay nalulungkot pero ang totoo gusto ko ng tumili kase kahit halata sa mukha n'ya ang pagkadismaya, bakit ang gwapo n'ya pa rin?

"Sige bukas na lang ulit." Aniya na halatang pagod na pagod na. Nakakapagod ba akong turuan?

Two months pa lang naman n'ya akong natuturuan tungkol sa paggamit ng kuwit at tuldok ah.

"Pero Carlo, mahal kita!" Pagtawag ko rito bago pa tuluyang makalabas ng pinto.

"Ano?"

"Wala" umiling na lang ako dahil kahit anong pagpaparamdam ang gawin ko ay hindi n'ya pa rin nararamdaman. Napakamanhid n'ya!

O baka naman ayaw n'ya lang talaga sa akin😣
Tumawa na lang ako ng pagak dahil sa naisip pero sa totoo lang, gusto ko na talagang umiyak.
Pero kahit paulit ulit n'ya akong baliwalain, ok lang.
Nagawa ko na nga s'yang maging tutor, boyfriend pa kaya!

Pinili kong magpanggap para makasama ko pa si Carlo. Kahit araw araw s'yang madismaya sa akin, ok lang basta makasama ko s'ya.
Ayoko kaseng tuldukan yung samahan naming dalawa.
Ayoko pang tapusin!

Ok lang na maglagay ako ng kuwit sa love story naming dalawa habang buhay.
Basta please...huwag lang tuldok!

DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon