Pretend 014

2.2K 61 9
                                    


Tumawa ako sa naging karanasan ng best friend ko. Grabe feeling ko maiiyak na ako sa katatawa.
Nandito nga pala ako sa Hospital, nagpapanggap na masaya. Ayoko kase silang pag-alalahanin pa.

Pero hindi ko alam kung bakit natatakot ako. Sabi nila naaksidente raw ako, pero bakit ganon? Takot na takot ako!

Pinagsawalang bahala ko nalang ang takot ko at bumaling sa best friend kong masayang nagkukuwento.

Biglang may tumawag sa phone n'ya kaya nagpaalam muna s'yang lalabas, kaya naman pinayagan ko nalang.

Paglabas n'ya, hindi ko alam kung bakit yung ngiti ko biglang napawi at biglang tumulo yung mga luha sa mata ko.

Bakit ba kase pilit pang bumabalik ang nakaraan? Sana nagkaamnesia nalang talaga ako. Ngunit sadyang tuso si tadhana, dahil naaalala ko parin ang mga nakaraang pilit ko ng kinakalimutan.

Ang hirap at ang sakit sakit na, natatakot ako dahil baka mamaya mayroon na namang sumugod at pagtangkaan ang buhay ko. Pero gayunpaman, nagpapanggap parin ako... ayoko lang kaseng mag-alala pa ang mga mahal ko sa buhay.

Pero bakit ganon?

Sobrang hirap magpanggap na masaya at magkaroon ng amnesia. Ayoko na talaga, kase sumobra na yung sakit eh!

Pwede bang sumuko na?!

DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon