Nagising ako ng may naramdaman akong may kasama ako dito sa kuwarto.
Pero ang totoo wala, dahil umalis si mahal.
Gumapang siya, naramdaman ko iyon.
Tapos parang may dumidikit na kung anong malamig sa paa ko.
Hellpppp, may naramdaman po akong hininga sa batok ko.Bakit ba kasi ako lang ang naiwan ditong mag-isa at bakit hindi ko naisipan na sumama na lang kay mahal?
Kahit nakataas na ang lahat ng balahibo ko at sobrang kinikilabutan na ako ay pinilit ko pa ring umakto na parang wala lang.
Unti-unti akong humiga sa kama.
Pero meron akong naramdamang kamay sa bewang ko, malamig, sobrang lamig.
Muli akong napaupo sa takot.Tapos wala pa akong nakikitang kahit ano dahil sobrang dilim talaga.
May yumakap sa akin mula sa likuran ko kaya kaagad akong napatayo sa kama at bumaba.Baka kasi multo iyon!
Sa pag-atras ko ay may nakapa akong vase kaya ihahampas ko na sana sa kung sino mang nilalang ito pero bigla akong natigilan dahil...
"Mahal?" tunog nagtatampo na nagtatanong siya habang pinipigilan niya akong ihampas sa kanya yung vase.
0MG! Si mahal ba ito?
"What's wrong?" O gosh, dun ko lang naalala.
Honeymoon nga pala namin ngayon!
BINABASA MO ANG
DAGLI
Short Story×Flash Fiction× Iba't ibang halimbawa ng dagli na mula sa imahinasyon ng may akda. Huwag mag-expect ng malaki dahil maaaring malaki rin ang chance na masaktan ka. (COMPLETED)