Kathryn's POV
"Excuse me nakita niyo ba si James?." Tanong ko doon sa kaklase namin.
"Sorry Kath wala eh." At umalis na siya.
"Sige salamat."
Sabi niya hihintayin niya ako kasi sabay kaming maglu-lunch, nasan kaya yun?.
Nagtungo ako sa canteen at ang puuunnooo kaya hindi na lang ako pumasok. Matext nga yun.
[To Wolf: Nasan ka ba, wolf?.]
Naghintay ako ng ilang minuto pero walang sumagot. Wala akong nagawa kundi maglunch na lang mag-isa kaya bumalik ako sa room at naglunch.
"Bakit walang tao?." Taka kong sabi pagpasok sa room.
Habang kumakain ako biglang may padabog na pumasok na babae at sumunod yung lalake, boyfriend niya atah.
"Nasan ka galing kanina?!." Sigaw nung babae.
Bakit ba sila dito nag-aaway? Hindi naman nila toh room ah.
"Babe, sa computer shop lang nga kami." Sagot nung lalake.
"Sinungaling! Nakita kita kanina kasama yung babae mo! Kaya pala hindi kita mahanap-hanap kanina kasi nakikipaglandian ka na sa iba!." At sinampal niya yung lalake.
Bigla akong kinabahan sa sinabi nung babae. Hindi naman siguro yun magagawa ni James.
"Babe, sorry hindi ko naman siya mahal eh pangpalipas oras lang yun." Napakunot noo ako sa sinaimbi nung lalake.
"Aba, gago to ah." Mahina kong sabi.
"Akala ko hindi mo yun magagawa..akala ko iba ka sa kanila..pero akala ko lang pala yun dahil lahat kayo pare-pareho!." At lumabas na yung babae.
Bago lumabas yung lalake napatingin siya sa akin.
"Wala akong narinig." Dipensa ko.
"Girlfriend ka ba ni James?." Kinabahan ako bigla sa tanong niya.
"O..oo bakit nakita mo ba siya?." Tanong ko.
"Nasa park siya ngayon." Napatayo ako sa sinabi niya.
"Park? Saang park?." Halos pasigaw kong tanong.
"Sa Paradise Garden." Sagot niya.
Lalong bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa sagot na yun. "A-anong ginagawa niya doon?."
Napayuko siya. "Puntahan mo na lang siya para makita mo."
Agad ako tumakbo palabas kaso hinarang ako ng guard.
"Saan po kayo pupunta ma'am?." Tanong niya at nilock yung gate.
"Kuya guard, please kailangan kong lumabas!." Naiiyak na ako!.
"Ma'am bawal po maghintay na lang po kayo pag-uwian na." Nainis ako sa sinabi ng guard.
"Pag hindi niyo ako pinalabas tatanda akong dalaga!!." Sigaw ko at nakarinig ako ng tawa.
Tawa ni kuya guard sa akin. "Anong konek doon ma'am?."
Hinawakan ko yung dalawa niyang balikat at sineryosong tinignan sa mata. "Kasi pag hindi niyo ako pinalabas baka may makakuha na sa wolf ko! Wala na akong papakasalan!."
"Sige na nga ma---"
Agad na ako kumaripas ng takbo at pumara ng taxi.
******
BINABASA MO ANG
"A Better Tomorrow"
FantasyBOOK TWO OF A GIRL AT MY DOOR (KathReid) May maganda pa kayang bukas para sa ating dalawa o aasa na lang tayo sa mga panaginip na hindi kailan man mangyayari.