Hyungwon's POV.
After ng aming masayang whole day na pagtambay sa Everland, We fly going busan, My hometown.
Sakay ng Van namen from airport, Tuwang-tuwa si Papa kila Nickzy na enjoy na enjoy sa pagtungaw sa bintana.
"Buti naman raffy at makakasama ka naman ulet ngayong summer? May mga customers kaseng nakakamiss ng kakulitan mo eh, Lalo na yung mga matatandang kinakantahan mo dun, Grabe lagi ka nilang hinahanap." Excited yung boses ni Papa.
"Syempre tito sino naman po ang hindi babalik sa napaka-gandang lugar na kagaya neto, Saka naging memorable po ng buong summer ko na kasama ko kayo, Bumalik po ako dahil namiss ko po ang kalinga ng isang ina na pinaramdam ni Tita saken, At kayo po yung kalinga po ng ama na matagal ko pong inasam sa papa ko." Naka-ngiti sya pero alam kong malungkot sya.
"Always ka namang welcome sa bahay eh." Papa smile.
"Papa nagseselos na ako, Sino ba ang anak mo? Sya o Ako?" Pabiro kong sabi.
"Syempre ikaw, Kung napakadali lang na hilingin sa inyong dalawa na magpakasal kayo no, Hinilingin ko na para naman maging parte na talaga ng pamilya Itong si Raffy." Then papa laugh.
"Nako tito, Kahit wala na pong kasal magpapaampon po ako sa inyo." She smile then hug my arm then lay her head on my shoulder.
"Naalala ko tuloy nong nasa middle school kayong dalawa, Maraming naka-pansin sa. closeness nyo at marami ding nagtatanong kung kambal kayo." Papa smile.
"Gaano po ba ka-close si Raffy at Won-won noon." Ahyun smile.
"Hija, Simula kase nong mamatay ang mama at kapatid ni Raffy dito na sya sa Seoul nag-stay, Naging classmate ko ang papa ni Raffy noon kaya saken na nya ipinagkatiwala si Raffy. " My papa smile.
"At kahit anong gawin hindi na mapaghiwalay yang dalawang yan, Noon selos na selos ako sa dalawang yan dahil same school sila here at Busan ako naiwan sa Seoul." Dagdag ni Nickzy.
"Bumawi naman yung dalawa sinamahan ka nila mag-aral ng kolehiyo sa Seoul, At tingnan nyo konti nalang maididisplay ko na mga kopya ng graduation picture at dimploma nyo sa restaurant." Proud na sabi ni Papa.
"Tito? What if magpa-ampon na kame sayo, Tutal wala ka namang anak na babae diba po?" Hirit ni Nickzy.
"Hindi ampunan ang bahay naman, Saka ano ka aso?" Pagbara ko sa kanya.
"Tingnan mo kasamaan ng ugali nitong lalaking to." Nickzy smirk.
"Nasa teritoryo nya tayo kaya ganyan yan eh." Raffy laugh while playing my hand.
Tumawa si Tito dahil sa sinabi ko, Hindi na nakasama si Ray samen dahil pinapauwi daw sya ni Papa at ng Mama nya pinas.
"Nickzy naalala mo pa yung ginawa namen sayo ni Won-won sa lugar na yun." Tinuturo nya yung lugar kung saan namen iniwan si Nickzy na umiiyak.
