Crush nga lang ba talaga?
Tanong na bumabagabag sa utak ko tuwing ika'y nakikita
Tanong na kahit si Google ay walang sagot na maipakita
Tanong na pinagtatalunan ng aking buong sistema
Ewan ko ba---
Pati ako naguguluhan na
Na sa tuwing ika'y nasisilayan sa umaga,
Buo na ang araw ko
Kahit hanggang gabi pa.
Na sa tuwing ngumingiti ka
Pati puso ko
Gustong tumalon sa kinalalagyan nya
Na sa tuwing may kasama kang iba
Parang gusto ko na lang mabulag
Upang di kayo magkita
Ngayon sagutin mo ako
Crush nga lang ba talaga?
O mahal ka na pala
Hindi ko lang makumpirma.Naalala ko pa tuloy noon,
Noon sa gitna ng katahimikan
Nabanggit ko ang mga katagang
Tumatak sa isipan.
Do'n.
Do'n mismo sa mga katagang 'yon
Nagsimula ang lahat.
Wala ka lang naman talaga sakin no'n
Kund hindi lang tayo tinukso dahil sa eksena sa Math.
Do'n.
Do'n mismo sa mga katagang 'yon
Nagsimula ang lahat
Na dahil sa mga pang-aasar at panunukso
Nagkatotoo ang asaran lang dapat.Akala ko wala lang 'yon
Sabi ko "Sus makakalimutan din nila 'yon"
Hanggang isang gabi
Dahil sa simpleng tanong tungkol sa pera
Na nasundan na ng kwentuhan nating dalawa
Unti-unti kitang nakilala.
Isang gabi na sinundan pa ng isa,
Ng isa pa, at ng ilang gabi pa.
Hanggang sa hindi ko na kinaya
Tinanggap ko na sa sarili ko
Bes, crush na nga kita.
Tinago ko ang nararamdaman ko
Kasi sabi ko, "Sus mawawala din 'to"
Pero bakit gano'n?
Kahit anong kapit ko,
Nahuhulog pa rin ako sa'yo
Kahit anong takas ko
Nahuhuli mo pa rin ang puso ko.Tapos bigla mo akong tinanong
"Sinong crush mo?"
Na dahil sa pagkabigla ko,
'Secret' ang lumabas na salita sa bibig ko
At sa tuwing lalapitan mo ako
'Yon agad ang itatanong mo
Ganun ka ba ka-interesado
Pero kahit anong lihim ko, napaamin mo pa rin ako
Pero walang nagbago.
Siguro nga hindi naman big deal para sa'yo
Sino nga ba naman ako sa mundo mo?
Pero okay lang---
Naalalaa kong may mahal ka nga palang iba
Na wala lang ang nararamdaman ko kumpara sa pagmamahal mo sa kanya
Na baka loyal ka lang talaga
Wala akong karapatang magreklamo
Dahil unang-una sa lahat
Hindi mo naman alam ang nararamdaman ko
Pero kasi ang daya mo
Wala din naman akong sinabing pumasok ka sa mundo ko
At guluhin ang puso ko
Pero nagpumilit ka---
Tapos nung nagustuhan na kita,
wala na.
Bigla ka na lang nawala
Sa kwentong akala ko tayong dalawa ang gumawa.
Para kang si Yolanda,
Saglit ka lang dumaan,
Pero sobrang pinsala ang iniwan.Ngunit 'wag kang mag-alala
Bibitawan na rin kita.
Dahil sa tanong kung crush nga lang ba talaga,
Wala pa din akong kasagutan
Pero alam ko na ang patutunguhan.
Wala na rin namang dahilan
Para mahalin ka pa ng tuluyan
Kaya ngayon pa lang,
Gusto ko na 'tong tigilan.
Gusto ko ng tanggalin ang kadenang inilagay ko sa sarili ko
Na pilit idinudugtong sa mundo mo.
Gusto ko ng pakawalan ang sarili ko
Sa imahinasyong magugustuhan mo rin ako
Dahil patuloy ka mang hawakan
Wala ring saysay
Dahil ako lang din naman ang lumalaban
Gigisingin ko na sa realidad ang puso ko
Mula sa ilusyon at mahika ng mga mata mo
Magmomove-on na ako,
Kahit hindi naman naging tayo
Palalayain na kita
Kahit 'di ka naman naging akin simula't simula pa
Dahil mahal, pasensya ka na
Pero hindi ko na kayang umasa
Na may patutunguhan pa
Ang kwento nating dalawa.
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoetryThere are words that are meant to be spoken. But there are also words that are meant to be kept.......forever.