Alam mo ang pakiramdam ng magulang na iniwan ng asawa
Alam mo rin ba ang pakiramdam ng anak na nasisira ang pamilya?
Alam mo ang pakiramdam ng magulang na lumayo sa pamilya
Alam mo rin ba ang pakiramdam ng anak na piniling iwan ng magulang nya?
Maaaring hindi ko rin alam ang pakiramdam ng isang magulang
Siguradong alam mo naman ang pakiramdam na maging anak lang
Ngunit balibaliktarin man ang mundo
Hindi mo mararamdaman ang nararamdaman ko.Alam mo ba ang pakiramdam ng anak
Na sa sobrang hirap ay pinipili na lang umiyak
At sa isip, laging itinatatak
Matatapos din ang lahat
Kailangan mo lang maging matatag.
Alam mo ba ang pakiramdam ng anak
Na takot magkaroon ng family day sa paaralan
Dahil di alam kung mayroong masasamahan.
Alam mo ba ang pakiramdam ng anak
Na natataranta kapag nagpatawag ng magulang
Dahil walang maisama, kahit isa lang.
Alam mo ba ang pakiramdam ng anak
Na gustong magkwento tungkol sa crush nya
Na gustong magtanong kung sasagutin ang manliligaw nya
Na gusto ng karamay dahil nag-away sila ng bestfriend nya
Ngunit wala ka---
Nasan ka nga ba?
Nandoon sa kabilang dako ng mundo
Tinutustusan ang sinasabing 'kailangan' nyo.
Nandoon sa ibang parte ng bansa
At sariling pamilya'y gumagawa.Alam mo ba ang pakiramdam ng anak
Na pinipilit makakuha ng mataas na marka
Para sa graduation day, may maisabit ka sa leeg nya.
Ngunit mismong seremonyas na
Binabagtas mo pa lang ang mahabang daan
Patungo sa kanya.
Alam mo ba ang pakiramdam ng anak
Na naiinggit sa ibang pamilya
Dahil sila, nagtatawanan at masaya
Ngunit sya, nasa isang tabi lang, iniisip
Bakit hindi ganito ang pamilya nya?
At alam mo ba ang pakiramdam ng anak
Na nawalan ng tiwala sa hiwaga ng pag-ibig
Dahil sabi nya, wala namang permanente dito sa daigdig.
Na hindi na magawang muling magmahal
Dahil sabi nya, mga tao ngang nagsumpaan
Sa harap ng Diyos Ama, naghihiwalay pa
Sila pa kayang nagsumpaan lang sa isa't isa
At pagkatapos ay wala na.
Na natakot na sa ideya ng pagmamahal
Dahil sabi nya magulang nya nga iniwan ang isa't isa
Anong kasiguraduhan---
Na di sya iiwan
Ng taong kanyang pakakasalan.Alam mo ang pakiramdam ng magulang na malayo sa anak nya.
Pero hindi mo alam ang pakiramdam ng anak na malayo sa sariling pamilya.Alam mo ba ang pakiramdam ng anak
Na gustong tumakas
At kumawala sa rehas
Ng sakit at pagdurusa
Na dulot ng sariling pamilya
Hindi mahanap ang susi at daan palabas
At hindi makawala sa sakit na dinanas.Alam mo ang pakiramdam ng magulang na nangungulila sa anak
Pero sana alam mo rin ang pakiramdam ng anak
na nangungulila sa magulang.Mahirap---
Mahirap na kahit manatili kayo sa isa't isa
Hindi na magiging masaya.
Ang buhay ay hindi pelikula
Kontrolado ang kwento,
Idinidikta ang dapat maramdaman mo.
Aktor at aktres man tayo sa ating kwento
Mapapaniwala nyo man ang ibang tao sa pinapakita nyo
Hindi mo pa rin maitatago ang katotohanang
Nasasaktan ka, kahit nakangiti ka.Masakit----
Na yung dating masayang magkakasama
Ngayon kahit simpleng text at chat,
Hindi na mareplyan dahil may sari-sariling mundo na.
Masakit na yung akala mo okay lang ang lahat
Pero bulag ka sa katotohanang matagal na palang may lamat.Hindi maitatanggi ang katotohanan
Na hindi naghangad ng masama sa anak ang magulang.
Na kahit ang gabi sa kanya'y nagiging umaga,
May makain ka lang, yun ang mahalaga.
Na kahit itutulog na lang at ipapahinga
Imumulat pa rin ang mata para lang makausap ka.
Na isusuot na lang at ipagmamaganda
Itatabi pa para lang sayo'y mapadala.
Ngunit dapat mo ding inaalala
Na higit na mahalaga ang alaga at presensya
Kesa sa cellphone at pera.Alam ko ang pakiramdam ng anak
Na may pamilyang magulo at wasak.
Ikaw, alam mo ba ang nasa puso at utak
Ng sarili mong anak?
![](https://img.wattpad.com/cover/125930855-288-k694068.jpg)
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoesiaThere are words that are meant to be spoken. But there are also words that are meant to be kept.......forever.