CHAPTER 2

25 5 4
                                    

CHAPTER 2 - AUDITION

Kim Jong In's POV

Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong sinagutan ang form na binigay nung babae. Nakalimutan ko na yung pangalan e.

"Kuya, ano 'yan?" Tanong ni Hye Jin habang bumababa ng hagdan.

"Ah, wala. Assignment lang namin sa Physics," sabi ko at tinago yung papel sa likod ko at kumuha ng notebook.

"Patingin, baka matulungan kita. Wala kasi akong magawa e." Presensya niya.

"Ani. 'Wag na." Pagtanggi ko at sinarado ang notebook.

"Arasseo." Sabi niya at pumunta sa kusina. Malamang kakain ulit 'yon.

Pagkaalis niya ay kinuha ko na sa likod ko ang form at tinuloy ang pag-sagot.

Pagkatapos kong mag-sagot ay tinawag ko si Hye Jin.

"Hye Jin-ah!" Tawag ko. Lumabas na siya ng kitchen.

"Waeyo?" Tanong niya habang kumakain ng ppang. (Ppang means Bread)

"Aalis muna 'ko. May pupuntahan lang ako sa labas. Mag-lock ka ng pinto." Paalala ko.

"Ne." Sabi niya at umalis na 'ko habang dala-dala ang form.

Pumunta na ako sa park at hinintay ang babaeng galing sa S.M Entertainment.

Ilang minuto lang ay dumating na ang siya.

"Oh, nakapag-isip isip ka na ba?" Tanong niya.

"Ah, yes. Maga-audition po ako." Sabi ko.

"Mabuti naman. Nasaan nga pala yung form na sinagutan mo?" Tanong niya at binigay ko naman ang form.

"Kailan nga po pala maga-audition? Tanong ko.

"Sa isang araw. Pumunta ka sa S.M Building. 9:00 AM. Tsaka mag-handa ka na ng performance mo. Good luck. Mauna na 'ko." Sabi niya at umalis.

"Sa isang araw, 9:00 AM. Sa S.M Building. Okay." Sabi ko sa sarili at umalis na sa park.

*DAY OF AUDITION*

Pinanood ko gaming backstage ang mga naga-audition sa stage. Yung iba ay sumayaw at yung iba kumanta.

Kaya ko 'to siyempre. Ako pa ba? Hehehe. Papatanggal ko lahat ng posters at mga merchandise ni Hye Jin sa kwarto niya. *Evil Laugh*

"Kim Jong In, you're next. Be ready." Sabi nung lalaking naga-assist sa mga maga-audition. Tinanguan ko lang siya at nanood ulit sa monitor.

Nakita ko ang isang lalaking maliit na nasa stage. Mas maputi siya kesa sa 'kin. Aray. Oo na hindi ako kaputian. Maganda yung boses niya. Pagkatapos niyang kumanta ay parang may sinabi ang judge na ikinatuwa niya. Nung tumawa siya ay lumabas ang cheekbone niya pati kinagat niya yung dila niya. Bumaba na siya ng stage at tinawag na 'ko.

"Annyeonghaseyo. Kim Jong In imnida. I'm 13 years old." Pakilala ko.

"What's your talent?" Tanong nung lalaking pinapagitnaan ng dalawang judges.

"Sayaw po." Sagot ko

"Okay." Biglang tumugtog ang sasayawin ko kaya pinakita ko na ang pinractice ko. Nakita ko ang mga judges na napa-'woah'. Tsk. Galing ko talaga.

Tell Me What Is Love (EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon