Prologue

7.9K 224 12
                                    

NILIBOT ni Cola ang paningin sa kabuuan ng tenement building na titirhan niya at ng mga kaibigan sa susunod na dalawang buwan para sa summer internship nila, kung magugustuhan iyon ng "feng shui expert" na kasama nila.

The tenement building, called "C3", was along Munoz. Sa Quezon Ave kasi ang publishing house na kanilang papasukan ng kanyang mga kaibigan. Sa totoo lang, may kalayuan ang lugar sa kompanya, pero dahil sa kaka-feng shui ni Ate Coco– ang older sister niya– lahat ng dormitory, boarding house at ibang apartment complex na mas malapit sana sa magiging work place nila ay tinanggihan nito.

"Ano, Ate? Okay na ba 'to?" naiinip na tanong ni Cola sa kapatid, saka sinulyapan ang mga kaibigang sina Constellation at Craze na nakaupo sa lounging chair sa hallway at halatang pagod na dahil sa maghapon nilang kakalibot. Nakatayo sa gilid ng dalawa ang caretaker ng C3 Tenement– si Anton. Nasa ibang bansa pa raw kasi ang owner ng building. "Ate–"

"Shh," saway ni Ate Coco sa kanya. "Ayon  vibes ko, ito na ang lugar na hinahanap natin. Hindi ko rin alam kung bakit pero parang magaang ang loob ko rito, kaysa do'n sa mga nauna nating pinuntahan." Dumilat ito at binalingan si Anton. "Wala bang student discount kapag kinuha namin 'yong isang kuwarto?"

"Ate!" saway ni Cola sa kapatid.

"Joke lang," biglang bawi naman ni Ate Coco, saka lumapit kay Anton para sa "negosasyon." Bumaba ang dalawa sa second floor ng tenement kung nasaan ang opisina ng may-ari.

Umupo si Cola sa pagitan nina Constellation at Craze na parehong malapit nang makatulog dahil sa pagod. Bumuntong-hininga siya. "Girls, pasensiya na kung sobrang arte ni Ate Coco kaya ngayon lang tuloy tayo nakapili ng tenement. Hobby kasi talaga niyan ang magpanggap na feng shui expert."

"Okay lang," enthusiastic na sagot ni Craize na sinamahan pa nito ng pagtango-tango. "Simula nang si Ate Coco ang namili ng puwesto sa malls kung saan itinayo ang ilang branch ng boutique namin, mas lalong sinuwerte sa business si Mommy. Mukhang kahit walang formal training ay may natural talent sa pagfe-feng shui ang ate mo."

"Oo nga," sang-ayon naman ni Constellation. "It runs in the family yata."

"It doesn't," nakasimangot na pagkontra naman ni Cola. "Si Mommy, fortune teller. Si Daddy, no'ng buhay pa eh nakakapagbasa ng stars, si Ate Coco naman, marunong mag-feng shui. Eh ako, wala ni katiting na paranormal gift. Kahit nga sana third eye ang napunta sa'kin, magiging happy pa rin ako."

Sabay na nagreklamo sina Constellation at Craze. Bakit naman daw third eye pa. Hindi daw ba siya natatakot makakita ng multo.

"Lahat sa bahay namin nakakakita ng multo maliban sa'kin," reklamo pa rin ni Cola. "Parati akong OP kapag paranormal na ang pinag-uusapan. Gusto ko naman maka-relate kahit minsan. Mukha namang hindi nakakatakot kasi normal pa rin sina Mommy at Ate."

"Magiging suwerte ka naman sa career at love life ha," singit naman ni Ate Coco na paakyat ng hagdan. Tapos na siguro itong magbayad at pumirma ng kontrata. Narinig siguro nito ang usapan nilang magkakaibigan kaya sumingit ito. "At remember, sabi ni Daddy noon, bihira lang ang mga taong parehong suwerte sa career at love life."

Sumimangot lang si Cola. Hindi siya maiintindihan ni Ate Coco dahil simula pagkabata, espesyal na ito. Hindi tulad niya na normal lang kaya madalas, hindi napapansin sa pamilya nila. "Tapos ka nang magbayad?" pag-iiba na lang niya ng usapan.

Umaliwalas ang mukha ni Ate Coco. "Oo. Pumayag siya na dalawang buwan lang rentahan ang Room 15. Nabayaran ko na ang renta niyo para sa isang buwan. Magtipid lang kayong tatlo dahil kayo ang magbabayad ng tubig at kuryente niyo, okay?"

"Okay po," sabay na sagot nina Constellation at Craze.

Habang tinutulungan ng caretaker sina Constellation at Craze na ipasok ang gamit nila sa loob ng Room 15, hinila naman ni Ate Coco si Cola sa may hallway. Pagkatapos ay may peridot bracelet itong sinuot sa kamay niya.

"Para saan 'to?" tanong ni Cola kay Ate Coco habang nakatingin sa bracelet.

"Amulet 'yan. Pantaboy ng multo."

Nanlaki ang mga mata ni Cola. "Does it mean–"

"Hindi ko sinasabing may multo rito sa tenement na 'to," kontra agad ni Ate Coco. "In general, pantaboy ng negative spirits 'yang amulet na 'yan saka pang-attract ng suwerte. Ngayon ka lang malalayo sa'min ni Mommy kaya gusto ko, safe ka rito. Medyo aanga-anga ka pa naman madalas."

"Ate naman..."

Iwinasiwas ni Ate Coco ang kamay nito. "Cola, huwag mong isipin na hindi ka espesyal dahil lang wala kang paranormal gift na gaya namin nina Mommy at Daddy. You're special to us kasi ikaw ang baby ng family."

Na-touch naman si Cola kaya nayakap niya ang Ate Coco niya kahit kanina ay nilalamon siya ng inggit dahil sa special gift ng kapatid na wala siya. "Thank you, Ate." Kumalas siya rito at ngumiti ng matamis. "Sure kang walang mumu dito?"

GTT 1: The Ghost Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon