Chapter Ten

5.2K 262 66
                                    

"NABASA mo 'yong update sa My Ghost Boyfriend sa bagong issue ng Fairy Tale Magazine?"

"Oo! Na-sad ako no'ng nag-away sina C at S kung kailan naman first Christmas nila as a couple. Si S naman kasi. Bakit ba hindi niya maintindihan na busy sa thesis si C kaya walang time para makipag-Skype sa kanya?"

"Pero naiintindihan ko naman si S, friend. Siyempre, na-mi-miss niya si C tapos naho-home sick siya sa US. Naglalambing lang naman 'yong tao, pero dinaan agad ni C sa init ng ulo."

"Eh, friend. Stress nga kasi sa thesis si C."

"Bakit ba tayo nag-aaway? Eh nagkabati naman agad sila."

"Kaloka! Nakalagay sa preview for the next issue na pumuntang Amerika si C para sa first anniversary nila ni S!"

"OMG! Oo nga! Graduation gift ng ni Ate M kay C ang plane ticket papuntang Amerika! I'm sure nakakakilig na naman ang kuwento nila sa next issue ng FT Mag!"

Napapangiti na lang si Cola habang pinapakinggan ang usapan ng grupo ng limang dalagita na inokupa ang mahabang mesa sa covenience store na iyon. Habang siya naman, namimili ng cup noodles na imi-midnight snack niya habang may tinatapos siyang article para sa susunod na issue ng FT Mag.

Ah, there you are, bulalo. My favorite flavor.

"Ay si Ate, oh. Nagbabasa rin ng FT Mag."

Naramdaman ni Cola na nakatingin sa kanya ang mga babae kaya nilingon niya ang mga ito. Napansin niyang nakatingin ang mga dalagita sa hawak niyang issue ng FT Mag na kasalukuyan ding binabasa ng mga ito. Muli, napangiti siya. "Ah, oo. Avid reader din ako ng FT Mag."

Nagbungisngisan ang mga dalagita.

"Ate, binabasa mo rin ang My Ghost Boyfriend, 'no? Aminin!"

Ang My Ghost Boyfriend ang titulo ng hit article sa FT Magazine, sa panulat ng writer na nagtatago sa column name na "Bulalo Girl."

Nakangiting tumango si Cola. "Oo. Bet na bet ko 'yong story nila C at S, eh. Kayo rin ba?"

"Super!" sabay-sabay na sagot ng mga hyper na dalagita.

"Ate, Ate. Ano sa tingin mo ang mangyayari kina C at S sa Amerika? Hula namin, si C naman ang magpo-propose ng kasal kay S!"

Hinawakan ni Cola ang baba at nagpanggap na nag-iisip. "Sa tingin ko, hindi masyadong masaya ang magiging kuwento sa susunod na issue. I think, pagdating ni C sa Amerika, aabutan niya si S na inaatake sa puso. Sa sobrang takot ni C, tumakbo siya palabas ng ospital.

Habang umiiyak si C sa lobby ng ospital, nakita siya ni Ate M. Sinabi ni Ate M ang good news: may heart donor na para kay S kaya ihahanda na ang pag-o-opera kay S sa lalong madaling panahon. Natuwa naman siyempre si C.

No'ng bumalik si C sa kuwarto ni S, naabutan niya si S na gising na at kausap ang nurse nito. Pero nasaktan siya sa narinig niyang sinabi ni S."

"Ano 'yong sinabi ni S, Ate?" engrossed na tanong ng mga dalagita.

"Heto 'yong sinabi ni S: "I'm relieved that C isn't here. I don't want to see her hopeful face when she hears that I have a heart donor now. It will only remind me of how Mom reacted whenever I undergo treatments before. Optimistic at first, then disappointed in the end." Akala ni C, ayaw na siyang makita ni S kaya binalik niyang bumalik na ng Pilipinas. Pero pinagalitan siya ni Ate M at sinabing hindi siya dapat tumakbo dahil ngayon siya kailangan ni S.

Kaya kinagabihan, nagpakita si C kay S. Nagulat si S kasi hindi niya inaasahan na pupuntahan siya ni C. Balak kasi siyang i-surprise ni Ate M. Tapos, umiyak si C sa harap ni S at sinabi ang mga narinig niya kanina. Nag-sorry naman si S at sinabi kay C na: "I'm sorry, babe. I just got afraid. I don't want you to end up like Mom who gave up on me. I'm really, really sorry for saying that. I'm happy that you're here now. I missed you so much."

GTT 1: The Ghost Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon