Chapter Seven

2.9K 149 4
                                    

NAGULAT si Cola nang pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang dalawang supot ng McDo. At tatlong kape.

"I bet kay Seventeen galing ang mga 'yan," nakangiting sabi ni Craze, saka kinuha ang mga pagkain. "Okay 'to, ha. Nakakatipid tayo kasi may supplier tayo ng dinner at breakfast!"

Napabuntong-hininga na lang si Cola. Kuripot si Craze kaya mahilig ito sa libre. Tuwang-tuwa ito dahil tatlong magkakasunod na araw nang nag-iiwan ng almusal si Seventeen sa tapat ng pinto nila. At sa pag-uwi naman nila, naghihintay na rin ang dinner nila sa labas ng kuwarto.

"It's either wala siyang paglagyan ng pera," sabi naman ni Constellation, saka dumako ang tingin kay Cola. "Or he just wants to take care of you, Baby Cola."

Hindi kumibo si Cola. Na-a-appreciate naman niya ang mga effort ni Seventeen sa pakikipagbati sa kanya, pero hindi niya magawang maging masaya dahil hindi niya kayang gawin ang gusto nito. Hindi niya kayang makuntento sa isang oras na pagkukuwentuhan nila gabi-gabi. Dahil hindi lang ang pagkakaibigan ang gusto niya sa binata ngayon.

Hindi rin niya alam kung kailan lumalim ang damdamin niya para kay Seventeen. Basta nagisng na lang siya isang araw na hindi na niya ito kayang tingnan bilang multo, o bilang kaibigan. Lalo na't alam niyang pareho lang sila ng nararamdaman.

"Sana mamayang gabi, galing uli sa Gerry's Grill uli ang iwang dinner ni Seventeen," masayang sabi naman ni Craze na nasa kusina na habang nililipat ang mga pagkain mula sa Styrofoam sa plato.

"Napaka-insensitive talaga ng babaeng 'to," iiling-iling na sabi ni Constellation, saka matamang pinagmasdan si Cola. "Are you okay?"

Umiling si Cola. "Hindi."

Bumuntong-hininga si Constellation. "Kung hindi ka pala okay, bakit hindi mo na lang pansinin uli si Seventeen at subukang ayusin kung ano man ang pinag-awayan niyo?"

Lumabi si Cola. "Parang no'ng nakaraan lang, galit na galit ka kay Seventeen dahil sa panloloko niya sa'kin."

"Pero nalaman ko ang tungkol sa kondisyon niya, at... at may nasabi rin sa'kin si Tobie."

Ayaw man ni Cola, na-curious pa rin siya. "Ano 'yon?"

Ngumiti si Constellation. "Ang sabi ni Tobie, ngayon lang daw uli niya nakita si Seventeen na masaya at may gana sa buhay. You make him want to live, Cola. Ngayon mo pa ba siya susukuan?"

Nangilid ang mga luha ni Cola. Masaya siya sa lahat ng nalaman niya mula kay Constellation. Na-realize tuloy niya kung gaano na niya ka-miss si Seventeen. "Hindi ko naman sinusukuan si Seventeen, eh. Gusto kong lumaban siya sa sakit niya, pero gusto kong gawin niya 'yon para rin sa sarili niya, hindi lang para sa'kin."

Pinunasan ni Constellation ang mga luha niya. "Eh bakit lumalayo ka sa kanya?"

Humikbi si Cola. "Gusto ko lang ma-miss niya ko ng sobra hanggang sa ma-realize niyang hindi niya kayang mabuhay ng wala ako."

Natawa ng mahina si Constellation, saka siya niyakap. "Ipag-pe-pray ko na umepekto 'yang pagpapa-miss mo."

***

MUKHANG umepekto nga ang pagpapa-miss ni Cola dahil paglabas niya ng opisina kung saan sila nag-o-OJT ng mga kaibigan niya, sumalubong sa kanya si Seventeen na nakapamulsa at nakasandal sa hood ng kotse nito, halatang kanina pa naghihintay.

"Hi, Cola," bati ni Seventeen kay Cola.

Hindi inaasahan ni Cola na makita si Seventeen sa ilalim ng araw dahil madalas ay tuwing gabi lang sila nagkikita. Kahit no'ng dalhin sa ospital, gabi rin no'n. Iba pa rin ang epekto ng sinag ng araw sa binata, kaysa sa liwanag lang ng ilaw.

GTT 1: The Ghost Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon