Chapter Two

3.9K 154 6
                                    

"SO HOW is your internship so far?"

"Ga'no karaming papel na ang na-i-clip niyo?"

"Ilang kape na ang natimpla niyo?"

Lumabi si Cola sa mga narinig niyang pang-aasar nina Paulius, Arnoldas at Evaldas sa kanila nina Constellation at Craze habang kausap nila ang tatlong ungas gamit ang Skype. Parati silang binu-bully ng binansagang "Tatlong Haring Hambog" dahil Journalism students silang magkakaibigan, pero pinili nila nina Constellation at Craze na sa publishing house mag-OJT. Hindi gaya ng tatlong hambog na 'yon na sa isang sikat na broadsheet nakuhang mag-internship. Naniniwala rin ang mga hambog na 'yon na ginagawa lang silang utusan ng supervisor nila.

Eh anong magagawa nilang magkakaibigan? Mahilig silang magbasa ng pocketbooks kaya sa publishing house nila napiling mag-OJT kaysa sa diyaryo.

"FYI, nasa editorial department kaya kami," umiirap na pagtatanggol ni Craze sa grupo nila. "We proofread manuscripts, and super nice kaya sa'min ng mga editor namin."

"Ang yabang niyo talaga. Eh kayo ba? Hindi ba kayo ginagawang errand boys lang d'yan sa diyaryo niyo?" mataray na tanong naman ni Constellation.

Tumawa si Arnoldas, tawang mayabang. "Na-check niyo na ba ang website ng National Herald? Because if you do, makikita niyo sana ang byline naming tatlo. How cool is that?"

Umungol sa protesta sina Constellation at Craze, na ikinatawa naman nina Paulius, Arnoldas at Evaldas.

Gusto sanang makisali ni Cola sa asaran, pero hindi niya magawa dahil alam niyang hindi niya kayang umarte ng normal sa harap ni Evaldas. Hindi gaya ng unggoy na 'yon na para bang walang nangyari noong last day ng klase.

Goodbye na talaga sa pangarap niyang makatuluyan ang childhood friend niya.

"Cola, sawayin mo nga 'yang si Evaldas. Sumosobra na sa pambu-bully," ungot ni Constellation sa kanya.

Pilit na ngumiti lang si Cola, at nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata nila ni Evaldas sa computer screen. "Uhm, m-matutulog na ko. Ang sakit kasi ng eyes ko sa dami ng binasa ko kanina. Good night."

Tumayo na si Cola at dumeretso sa kama, humiga at nagtalukbong ng kumot. Pero dahil wala namang divider ang sala at kusina, narinig pa rin niya ang usapan ng mga kaibigan.

"Hoy, Evaldas. Umamin ka nga. Inaway mo na naman ba si Cola?" sita ni Craze dito.

"It's none of your business," aroganteng sagot naman ni Evaldas na rinig na rinig niya dahil naka-on ang speaker ng laptop.

Pumikit si Cola at pinilit matulog. Pero kahit no'ng natapos nang makipag-usap sina Constellation at Craze sa Tatlong Haring Hambog ay hindi pa rin siya nakakatulog. Hanggang sa maramdaman niyang niyakap siya ng mga kaibigan habang nakahiga siya.

"What's wrong, Baby Cola?" paglalambing ni Constellation sa kanya.

"Anong ginawa sa'yo ni Evaldas?" matapang na tanong naman ni Craze, na noon pa man ay kalahi na ni Gabriela Silang.

Hindi sanay si Cola na nalulungkot ang mga tao sa paligid niya dahil sa kanya, kaya dinaan na lang niya sa biro ang lahat. "Wala nga siyang ginawa, at iyon ang nakakaiyak."

Hindi natawa sina Constellation at Craze. Sa dinami-dami na ng girl talk nila, hindi na lihim sa mga kaibigan niya ang feelings niya para kay Evaldas. At kahit hindi niya tapusin ang kuwento niya ngayon, alam niyang may ideya na ang mga ito sa nangyari. Sa pambabasted ni Evaldas sa kanya.

Himbis na magsabi ng kung anu-ano, nanatili lang na tahimik na nakayakap sa kanya sina Constellation at Craze. Na-appreciate niya iyon, kaya siguro kahit ayaw niya, napaiyak siya hindi dahil nasasaktan pa rin siya sa pagkakabasted niya, kundi dahil na-touch siya sa pagmamahal ng mga kaibigan niya.

GTT 1: The Ghost Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon