Chapter Five

2.8K 150 11
                                    

NAKATALUNGKO si Cola sa tapat ng Room 17 habang nakatitig sa cup noodles at Coke Mismo na "alay" niya. Pero hindi niya kinausap ng malakas si Seventeen ng mga sandaling iyon, at hindi rin niya hinihiling na makita ito ngayon. Kaya nga alas-dose ng madaling-araw na siya nagpunta ro'n, umaasa na hindi na ito magpapakita dahil huli na siya sa usapan nila.

Pinagbawalan na si Cola ng mga kaibigan niya na makipagkita kay Seventeen, at alam din niya sa sarili niya na hindi na siya dapat nagpunta ro'n. Pero hindi niya mapigilan. Natatakot siyang malaman ang katotohanan sa pagkatao ng binata, pero mas natatakot siyang lumayo rito dahil alam niyang masasaktan siya.

Dinama ng mga daliri ni Cola ang mga labi niya. She could still feel Seventeen's kisses. Alam niyang hindi iyon panaginip, na totoong nahawakan, nayakap at nahalikan niya ang binata. He kissed her until she had fallen asleep. Pero nang magising uli siya, mag-isa na lang siya sa kuwarto.

Gayunman, ayaw pa ring tanggapin ng puso niya ang katotohanan dahil nangangahuluhan iyon na niloko siya nito, at magsasabi sa kanya kung gaano siya katanga.

Mas gugustuhin ko nang paniwalaan na panaginip lang 'yon, kaysa malaman na totoo ang lahat ng nangyari, Seventeen.

"You're late."

Napasinghap sa gulat si Cola. Kinalma niya muna ang puso niya bago siya tumayo at pumihit paharap kay Seventeen. Gano'n ba kalalim ang iniisip niya para hindi niya mamalayan ang paglapit nito. "Seventeen. Gising ka pa?"

Kumunot ang noo ni Seventeen. "Ghosts don't sleep, Cola."

Pakiramdam ni Cola ay may humila sa puso niya dahil sa sagot ni Seventeen, pero pilit pa rin siyang ngumiti. "Oo nga pala. Nakalimutan kong hindi natutulog ang mga multo."

"Okay ka na ba? Mukhang matamlay ka pa," tila nag-aalalang tanong ni Seventeen.

Kumunot ang noo ni Cola. "Alam mong nagkasakit ako?"

Nag-iwas ng tingin si Seventeen. "Sinabi ko naman, 'di ba? Alam ko ang lahat ng nangyayari dito sa tenement. So, ano? Magaling ka na ba? Parang hindi pa, eh."

"Okay na ko," giit ni Cola. "May na-meet lang kaming baliw ng friends ko kanina kaya medyo down ako ngayon."

"Baliw?" kunot-noong tanong ni Seventeen.

Tumango si Cola. "Pangalawang beses na na may humintong sasakyan sa harap namin ng friends ko habang naghihintay kami ng jeep. Napagkamalan kaming pick-up girls."

Nagtagis ang mga bagang ni Seventeen. "Sana sinipa niyo 'yong kotse, o minura 'yong driver."

Natawa ng mahina si Cola. "Hindi na lang namin pinansin."

Bumuntong-hininga ang binata. "Mag-iingat kayo sa susunod."

Tumango lang si Cola. Sumandal siya sa pinto ng Room 17 at pinagmasdan si Seventeen. He looked so real, so human. Talaga bang paniniwalaan pa rin niyang multo ang lalaking ito? "You know what? I was cured by a magical kiss."

Tumikhim si Seventeen, at biglang tumalikod. "Kiss? Sino naman ang humalik sa'yo?"

"Bakit ka nakatalikod?"

"Your face looks awful tonight I can't stand looking at you. You still look sick."

Hindi naman na-offend si Cola sa sinabi ni Seventeen dahil halata namang nang-aasar lang ito para pagtakpan ang nararamdaman nito. O kaya ay itago ang ekspresyon nito. Was he feeling shy? Guilty? "O baka pinagsisisihan mo na hinalikan mo ko sa panaginip ko?"

Biglang pumihit paharap sa kanya si Seventeen, seryosong-seryoso ang mukha. "Hindi ko pagsisisihan kung may hahalikan ako."

Tumaas ang kilay ni Cola. "So inaamin mo bang dinalaw mo ko sa panaginip ko at hinalikan? Ng torrid?"

GTT 1: The Ghost Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon