Chapter Nine

2.8K 142 3
                                    

NAPANGITI si Cola nang makitang manghang-mangha si Seventeen habang nakatingin sa mga naka-display na kung anu-anong lucky charm sa loob ng "Abubot" na pag-aari ng pamilya niya. Iyon ang ikinabubuhay ng mommy niya, bukod sa panghuhula nito. Kahit sa Bulacan nakatayo ang negosyo nila, dinadayo pa rin sila ng mga customer nilang may lahing Intsik, o kahit 'yong mga nagfi-feeling Intsik.

Katabi naman ng lucky charm shop nila ay ang "Happy Hopia Shop" ng Ate Coco niya. Base pa lang sa pangalan no'n, malamang nahulaan na ni Seventeen kung ano ang binebenta ng kapatid niya.

Dumayo sila ni Seventeen sa probinsiya nila para maipakilala niya ang boyfriend niya sa mommy at kapatid niya.

Nakangiting nilingon ni Seventeen si Cola. "Cool."

"Iyong second floor ng shop, bahay namin," sabi ni Cola, saka nilahad ang kamay niya kay Seventeen. "Tara na."

Tinanggap naman ni Seventeen ang kamay ni Cola. Hinila niya ang binata at inakay papasok sa shop. May susi naman siya ng bahay/shop nila kaya hindi na niya tinawag ang mommy niya para ma-surprise ito ng konti.

Dahil alam ng mommy niya na darating sila ni Seventeen, sarado ang shop nila. Umakyat sila sa second floor. Maluwang na sala ang sumalubong sa kanya, at tatlong pinto sa may kanan. Ang isa ay kuwarto ng mommy niya, ang isa ay kuwarto nila ni Ate Coco, at ang huli ay banyo. Iyong kuwarto naman sa kaliwa na may kurtina, ay daan papuntang kusina. May ingay na nagmumula ro'n.

"Nasa kitchen siguro si Mommy."

Naging alanganin ang ngiti ni Seventeen. "Okay lang ba ang hitsura ko? I don't look that sick, do I? Baka isipin ng mommy na hindi kita kayang alagaan dahil sa katawan ko."

Kinurot ni Cola ang mga pisngi ni Seventeen. "You look fine. Kalimutan mo na 'yong sinabi ni Craze na boto si Mommy kay Evaldas para sa'kin. Kahit mas manly tingnan si Evaldas dahil sa bronze skin at toned muscles niya, mas type ko pa ring 'yang kaputlaan at kapayatan mo."

"Thanks, babe," sarkastikong sabi ni Seventeen.

Natawa si Cola at niyakap si Seventeen. "Joke lang, babe." Lumingon siya sa may kusina nila. "Mommy, nandito na kami."

"Sandali lang, anak. Tatapusin ko lang lutuin 'tong tanghalian natin," sagot ng mommy niya.

Mayamaya lang, lumabas na ng kusina ang mommy ni Cola. Kamukha niya ang mommy niya, medyo mabilog nga lang ang ina. Pero ang height, mga mata at ngiti niya, kuhang-kuha niya rito.

"You look like your mom," bulong sa kanya ni Seventeen, bago binati ang kanyang ina. "Hello po, Tita."

Ngumiti ang mommy ni Cola kay Seventeen. "Ikaw ba si Seventeen? Aba, mukha kang bampira. Guwapong bampira!"

"Mommy!" saway ni Cola sa ina. "Na-i-insecure na nga 'yan sa kutis ni Evaldas, dinagdagan mo pa."

"Hey, I'm not insecure," kontra naman ni Seventeen.

Natawa ang mommy niya. "Nagbibiro lang ako, hijo. Baka na-offend kita."

Mabilis na umiling si Seventeen. "Hindi ho ako na-offend, Tita. Alam ko naman pong nagbibiro lang kayo."

"Gusto kita," natatawang sabi ng mommy niya. "Buti napagtitiyagaan mo ang anak ko? Makulit 'yan, eh."

"Mommy!"

Natawa si Seventeen, saka inakbayan si Cola. "Hindi naman po. Masarap naman pong alagaan 'tong anak niyo."

Lumakas ang tawa ng mommy ni Cola. "Gutom lang 'yan, hijo. Mananghalian muna tayo."

GTT 1: The Ghost Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon