Kabanata 8

11 0 0
                                    

"A-AKALA ko ba, mamamangka lang tayo?” maang na tanong ni Jean nang makitang palapit sila sa yateng nakadaong sa malayo sa isla.

“Nang sabihin ko kasing babalik ako sa trabaho ko, sinabi ni Sir Marco na dito na lang niya ako itatalaga sa yate. Wala raw kasing bantay dito kaya ibinigay sa akin ang susi. Halika,” yaya nito matapos itali ang bangka sa nakausling bakal ng yate.

“Eh, bakit isinama mo ako rito? B-baka malaman niyang nagdala ka ng babae rito, lagot ka.” Tinanggap niya ang palad nito.

“Hindi, wala namang ibang pupunta rito na hindi itinatawag sa radyo.

“Ganoon?”

“Oo, kaya halika na.”

Walang nagawa si Jean kundi sumunod sa paghakbang nito papasok sa yate.

"Wow!” Napahanga siya nang mamalas ang kabuuan ng yate.

Parang nasa loob siya ng isang magarang sala sa nabungaran. Mamahalin ang sofa na naroon. Kumpleto sa mamahaling kagamitan.

“Nagustuhan mo ba?”

Hindi agad nakakibo si Jean.

Isa ito sa buhay na pangarap niya. Ang matikman ang sarap ng buhay habang nakasakay sa isang magandang yate.

“Oo naman. Ang ganda, ano?” Parang batang nagpaikut-ikot sa kabuuan ng pinakasala si Jean.

“Oo. Gusto mo bang tumigil ng ilang araw dito?”

“Ha?” Napalingon siya sa binata. May fondness na nakasungaw sa mga mata nito.

“Naisip ko lang kasi, tutal ay ilang linggo akong mamamalagi rito, samahan mo ako.”

“Ano? Okay ka lang? Paanong –”

“Mag-file ka ng leave, tapos ay dito tayo. Walang makakaalam na narito ka.”

“Josh! Baka pareho tayong matanggal sa trabaho kapag –”

"Okay lang naman kahit pareho tayong walang trabaho, hindi ba? Ang mahalaga, magkasama tayo.”

“Josh!”

Natawa nang malakas ang binata.

“Nagbibiro lang ako. Basta mag-file ka ng leave, samahan mo ako rito sa yate.”

"Pero –”

“Akong bahala, walang makakaalam na narito ka.”

“S-sigurado ka?”

“Oo. Ano, magpa-file ka na ng leave?”

“S-sige, titingnan ko bukas kung papayagan pa ako. Kababakasyon ko lang, eh.”

“Papayagan ka, sigurado ako.”

“Sus! Para namang siya ang may-ari ng resort.” Inirapan niya ito.

Hindi na niya napansin na bahagyang umilap ang mga mata ni Joshua. Hindi niya alam na may nasaling siyang katotohanan sa sinabi niya.

“Basta mag-file ka na ng leave, ha?” Pagkuwa’y malambing itong yumakap sa kanya.

“S-sige, kung iyon ang kahilingan mo.”

“Salamat!” Pagkawika niyon ay isang mabilis na halik sa kanyang mga labi ang iginawad nito. “Hindi mo ito pagsisisihan, Jean.” Pagkuwa’y muli nitong inangkin ang mga labi niya.

Na agad niyang tinugon. Afterall, ano pa ba ang dahilan kaya lubusan siyang nagtiwala sa pagsama rito kahit saan?

She wants to be with him all the time, to be kissed by him….

Napapansin Mo Kaya?Where stories live. Discover now