Kabanata 10

24 0 0
                                    

MUNTIK nang mabitiwan ni Jean ang hawak na larawan na iniabot sa kanya ng babae.

Kasama ni Sylvi sa larawan ang Joshua na hinahanap nito. Magkayakap ang dalawa, may kuha namang nakakandong ang babae rito, may kuhang nakasakay sa kabayo.

Magara rin ang suot na damit ng lalaki sa larawan, mamahalin, kumbaga ay walang dudang makakaya lang magsuot ng ganoong damit ng isang taong maykaya sa buhay.

At ang isang larawan nito na nakasakay sa isang sportscar habang nakasuot ng helmet, imposible namang ginawa lang nitong props ang sasakyang iyon para magmukha itong karerista.

Napalunok si Jean habang marahang humahagod ang tingin niya sa mukha ng lalaki sa larawan.

Josh Montemayor! Tila piniga ang kanyang puso.

“O, natulala ka na riyan. Kilala mo ba?” mataray na untag nito sa kanya.

Napatitig siya sa mukha ni Sylvi. Pinigil niya ang sarili na mapaiyak.

“M-Ma’am, p-parang nakita ko nga siya rito,” gumagaralgal ang tinig na wika niya.

“Talaga? Saan?”

Napalunok muna siya.

“N-noon hong isang araw, d-diyan sa lobby.” Pero gusto pa rin niyang makasiguro. “P-pero J-Josh Montemayor ho ang narinig kong pangalan niya.”

“Tama! Siya nga iyon. Montemayor ang surname ng kanyang Lola Cassandra. Ang hudyong iyon, at nag-alias pa. Sa palagay mo, nasaan na siya ngayon?”

Minsan pang napalunok si Jean. This time, tila malalaglag na ang luha sa mga mata niya.

“M-Ma’am, para hong siya ‘yong sumakay sa chopper kanina,” pagsisinungaling niya. Ang totoo ay hindi pa niya alam kung nakaalis na sa isla si Josh. “Ah, e-excuse me ho. B-baka ho kailangan na ako sa ibaba.”

“Sandali –”

Ngunit hindi na niya pinansin ang pagtawag nito. Tuluy-tuloy siya sa elevator at hindi pa man iyon sumasara ay nalaglag na ang luha sa mga mata niya.

NAGKULONG sa kanyang silid si Jean. Wala siyang pakialam kung oras pa ng kanyang trabaho.

How dare you, Josh! Bakit mo ako niloko? Anong ibig sabihin nito?

Ngunit hindi yata siya makakapayag na napagmukha siyang tanga ni Joshua. Kung nakaalis man ito, she has to do something.

Kahit si Francis, o si Marco, dapat ay makausap niya ang mga ito. Anong pakialam niya kung ito ang mga boss niya?

Imposibleng walang alam ang dalawa.

Now she’d realize. Set-up ang pagdadala sa kanya ni Joshua sa yate!

Matapos pahirin ang luha, inayos niya ang sarili. Nagsuot siya ng maayos na damit. Pagkuwa’y diretso siya sa opisina ni Francis.

“I’ve told you, kumplikado yang ginagawa mo.”

Bahagyang naudlot sa gagawin sanang pagkatok si Jean nang maulinigan ang boses ni Francis.

“Yeah. Pero anong magagawa ko, narito na ‘to?”

Napakagat-labi si Jean nang makilala ang boses ni Josh.

“Ngayon, paano mo aayusin ‘yan’ Tiyak na manggugulo si Sylvi kapag nakita ka. At tiyak na mabubuko ka na ni Jean.”

“Kaya nga aalis na muna ako rito sa isla habang narito pa ang babaeng yon, eh.”

“Hah! At paano kung hindi umalis? Kanina nga lang ay nang-away na ng chambermaid dahil lang sinabing hindi ka kilala.”

Napapansin Mo Kaya?Where stories live. Discover now