Dati
Isa?
Dalawa?
Tatlo?
Ilang beses pa ba akong kailangan masaktan sa parehong dahilan?Naalala mo pa ba yung dati?
Kung ano at paano tayo dati.
Masaya lang at parang may sariling mundo
Kaso ngayon may sari sarili na tayong mundo
Ako kasama ang ibang kaibigan ko
Ikaw naman sa girlfriend moMasakit isipin na sa lahat ng pinagsamahan natin
Mas pinili mo pa rin siya kaysa sa'kin
Mas pinili mo yung taong sandali mo palang nakilala
Mas pinili no yung taong sa huli iiwan ka
Mas pinili mo yung girlfriend mo kesa sa girl bestftiend moOo kaibigan mo lang ako
Oo kaibigan mo lang naman talaga ako
Ikaw?
Natanong mo na ba kung ano ka talaga sakin?
Hindi.
Hindi pa ba ako sapat?
Hindi pa ba sapat yung saya na naibibigay ko sayo?
Ako pa ba ang gusto mo?
Kaya ko naman higitan yung pag trato niya sayoDumating lang siya iniwan mo na ako
Dumating lang siya unti unti mo na akong kinalimutan
Dumating na siya kaya ba hindi mo na ako kailangan? Tama ba?
Tama din ba yung narinig ko?
Namimiss mo na ako?
Samantalang text , chat o tawag nga kahit isa wala akong natatanggap mula sa iyoSabi mo walang iwanan
Sabi mo hindi mo akong magagawang iwan
Pero bakit iba yung nakikita at aking nararamdaman simula nung dumating siya sa buhay mo?
Nakakalungkot
Nakakadismaya
Masakit. Sobrang sakit.
Palagi na lamang ba akong magtitiis?Kailan ba tayo babalik sa dati?
Teka.
Babalik pa nga ba tayo sa dati?©bratsassymind

YOU ARE READING
Spoken Lies and Truth (Taglish)
ŞiirFull of crazy thoughts [10-31-17 #63] [11-05-17 #55]