"HINDI AKO SIYA"
Hindi ako siya,
Hindi ako siya para mahalin mo
Hindi ako siya para alagaan mo
Hindi ako siya para hanap hanapin moAko kasi 'to
Ako lang kasi 'to
Ako kasi yung babaeng takot lumapit sayo
Ako kasi yung babaeng takot umamin sayoHindi ako siya,
Hindi ako siya para sambahin mo
Hindi ako siya para ligawan mo
Hindi ako siya para maipakilala sa magulang moAko kasi 'to
Ako lang kasi yung babaeng hirap kang abutin
Ako lang kasi yung babaeng hirap kang kausapin
Ako lang kasi yung babaeng hirap mong gustuhinHindi ako siya
Ako ito
Hindi ako siya
Ako lang itoHindi ako siya
Pasensiya na, ganito lang ako.
YOU ARE READING
Spoken Lies and Truth (Taglish)
PoesiaFull of crazy thoughts [10-31-17 #63] [11-05-17 #55]