"Okay ka pa ba talaga"
Andito ako sa punto ng buhay ko na lahat nalang mg isasagot ko "Okay lang" ganun naman eh diba? Kahit hindi magpapanggap nalang para matapos na ang usapan para hindi na malaman ng iba yung totoong nararamdaman ko kasi pag nalaman ba nila , magiging okay ba? Pag nalaman ba nila may magbabago ba? Wala. Wala kasi yung iba nakikichismis lang pero hindi naman talaga concern sayo. Pag may magtatanong kung galit ka? "Okay lang" kahit ang totoo pinipigilan mo lang kasi wala namang magagawa yang galit na yan eh , pag may magsasabi ng sorry "Okay lang" kasi nangyari na eh tapos na ano pa bang magagawa ko diba? pag may nagtanong kung kamusta ko "Okay lang" pag sinabi ko naman na hindi walang magbabago kasi nga kahit sa sarili ko nagsisinungaling akong OKAY LANG AKO kahit ang totoo natatanong ko din sa sarili ko na "OKAY KA PA BA TALAGA?"
YOU ARE READING
Spoken Lies and Truth (Taglish)
PoesíaFull of crazy thoughts [10-31-17 #63] [11-05-17 #55]