21

191 5 0
                                    


ALAPAAP

Isang Alapaap
Alapaap? Napakalalim na salita
Maikli ngunit hindi malaman ang tunay na kahulugan
Ano nga ba ito?
Isang ulap?
Isang hangin?
Hindi ko alam.
Hindi ko na alam.
Hindi ko na mawari ang aking nararamdaman.
Hindi ko alam kung anong nais iparating sa aking isipan.
Ako'y lalo lamang naguluhan
Teka naguguluhan nga ba ako o sadyang nagkukunwari lang?
Nagkukunwari na hindi na nasasaktan
Nagbibingi bingihan , na para bang walang naririnig.
Nagbubulag bulagan na para bang walang nakikita.
Hindi ko alam ngunit ,
Ako'y nasasaktan.
Ako'y nagugulumihanan.
Nasasaktan parin sa nakaraan.
Nasasaktan parin pala.
Humihiling sa tinatawag nating ulap o alapaap na sana....
Sana matapos na.
Sana malimot na.
Sana di na maalala pa.
Ang nakaraan na puno ng lungkot.
Ang nakaraan na pilit kong kinakalimutan.
Sana matupad ang isa sa aking mga sana
Sana talaga....
Sana matapos na itong sakit na aking nararamdaman.
Ito'y aking hiling sa aking kaibigan.
Sa ating munting Alapaap.

Spoken Lies and Truth (Taglish)Where stories live. Discover now