30

109 3 0
                                    




Saan ba nagsimula?



Isa
Isang beses nakita ang isa't isa
Dalawa
Sa pangalawa na tayo nagkakilala
Pangatlo
Tatlong kataga ang pareho nating binitawan "Anong pangalan mo?"
Apat
Apat na segundo bago ka tuluyang sumagot
Lima
Limang araw ang lumipas bago tayo muling nagtagpo
Anim
Sa tantsa ko'y anim tayong magkakasama noon
Pito
Pitong tingin sa mga kasama natin bago ka makatingin sa akin
Walo
Sa pang walong araw naging mag kaibigan tayo
Siyam
Siyam na beses mo akong tinanong kung maaari ba na maging tayo
Sampo
Sa ika sampo ng buwan simula nang tayo'y magkakilanlan tsaka ko lamang ibinigay sayo ang matamis na "Oo" na iyong pinaghirapan

At doon nagsimula ang istorya nating dalawa




©bratsassymind

Spoken Lies and Truth (Taglish)Where stories live. Discover now