Ilang segundo pa ba ang masasayang?
Ilang minuto pa ba ang tatakbo?
Ilang oras pa ba ang lilipas?
Ilang linggo pa ba ang magdadaan?Sa susunod alam kong may magbabago
Kailan ba kasi naging perpekto ang mundo
Mundo na pilit binubuo ng dalawang tao
Na akala mo sila lang ang nanditoHindi ko nanaman alam kung paano
Dapat pa ba natin naisin ito?
Paano nalang kung bigla ngang magbago?
Ano nalang nanaman ang kahihinatnan ko?Saan nga ba dapat tumungo
Dapat pa nga ba tayong magpatuloy?
Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat?
Baka naman ito'y ating wakasan agadBaka dapat huwag magpadalos dalos
Baka dapat huwag agad susugod
Dahil hindi tayo sigurado na sa giyera na ito
Pareho tayong mananaloKung ang katotohanan ay tinadhana lang tayo
Ngunit kahit kailan ay hindi magtatagpo.
YOU ARE READING
Spoken Lies and Truth (Taglish)
PoetryFull of crazy thoughts [10-31-17 #63] [11-05-17 #55]