"May mga bagay na mahirap pagdesisyunan, lalo na kung ang parehong pagpipilian ay maaring magdulot ng sakit sa dalawang taong nagmamahalan. Ikaw na nag babasa nito... ano ang pipiliin o gagawin mo?
- "Mas pipiliin mo bang manahimik at magkunwaring hindi ka apektado sa iyong mga nakikita kahit ang sakit sakit na? o yung magsalita ka ngunit maaring mawala sayo yung taong minamahal mo?"
- "Makinig at piliting intindihin ang sakit na haharapin? O ang lumayo ngunit kasama parin ang sakit na dadalhin?"
..1..2..3 basa na mga seswang... ♥
—————-Karylle's POV
"Ok fine sige! Hahayaan kitang umalis pero once na lumabas ka sa pintuan ng restaurant na'to nang hindi man lang pinapakinggan ang explanations ko... I'll book a flight back to US right now at hinding hindi na ako magpapakita pa sayo kahit na kailan..." ito ang mga salitang nakapagpatigil sa tuluyan kong pag labas ng pintuan, napahinto ako dahil sa narinig ko...nasasaktan ako dahil sa mga nangyayari sa amin ni JM, sa sitwasyong kinakaharap namin ngayon, napaluha ako sa mga huling salitang sinabi nya.
"Love!" Mahinang tawag sa akin ni JM, habang pilit kong pinapakalma ang aking sarili habang nakatalikod parin sa kanya.
"Love please don't leave me" pagmamakaawa muli ni JM sa akin saka ako huminga ng malalim para harapin sya
Ito na lalapit na ako sa kanya, nakita ko yung mukha nya na nagbago, unti unting nagkaroon ng pag asa ang mga mata nya... at unti unti na rin syang naglakad palapit sakin, hanggang sa niyakap nya ako at saka nagsalita.
"Love thank you for not leaving me...i love you" sabi nya sa akin habang mahigpit akong niyayakap.
"Papakinggan kita, gusto ko malaman kung ano ba talagang nangyari pero..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil mas hinigpitan nya ang yakap nya sakin, ako naman sinubukan kong alisin ang mga bisig nyang naka yakap sakin, pero mas malakas sya sa akin kaya hindi ko naalis.
"Wag mo nang pilitin alisin, mahihirapan ka lang kasi wala rin naman akong balak na alisin 'tong pagkakayakap ko sayo... kasi baka pag inalis ko 'to baka magbago isip mo at iwan mo nanaman ako" ito ang sabi nya sa akin habang may malungkot na tono sa pag sasalita kaya naman hinayaan ko nalang sya sa gusto nya.
"Sige JM ano bang gusto mo ipaliwanag sakin... para matapos na'to at makauwi na ako" ito nalang ang sinabi ko sa kanya at nagsimula syang mag kwento habang hindi parin inaalis ang pagkakayakap nya sa akin, nakikinig ako sa bawat salitang binibitawan nya, maririnig naman sa mga sinasabi nya yung sincerity na totoo lahat ng kwento nya kumbaga para syang nagsusumbong na bata detalyado at dahil don ay madali akong naniwala sa kanya, dahan dahan kong inalis ang yakap nya and this time kumalas na rin sya pero nakayuko si JM ayaw nya akong tignan.
"I'm really really sorry love... Hin- di ko naman sinasadyang itago sayo yung problema... kasi akala ko mamamatay nalang yung issue kapag hindi ko pinapansin.." sabi nya sa akin
"Pero sana hindi mo nalang sinarili yung problema, hindi sana tayo nagkakasakitan ng ganito... kaya nga minahal natin ang isa't isa para magkaroon tayo ng isang tao na mapag sasabihan ng lahat ng pinagdadaanan natin diba?" sabi ko sa kanya , tumatango lang naman sya sa kada sabihin ko.
BINABASA MO ANG
Loved Your Music
RomanceDon't find for love, let love find you. Wag mag madali ienjoy ang buhay at hayaang dumating ang isang taong magpaparamdam ng tunay na pagmamahal at magpapahalaga sayo. Dalawang taong nagkasundo dahil sa music.. anong musika nga ba ang mabubuo n...