Lunes ng umaga, ito na ang araw ng opening ng school intramurals para sa Highschool Department ng paaralan. masayang masaya ang mga estudyante dahil isa ang okasyong ito sa pinaka inaabangan nila every year, dahil bukod sa dito nila maipapamalas ang kanilang mga angking galing sa iba't ibang larangan ng sports ay ito rin ang panahon na makakapag relax sila at walang iintindihin kundi ang mag saya at mag enjoy sa panonood.
Pumarada ang mga players kasunod ang mga estudyante ng bawat year level, nauuna sa linya ang mga first year, sumunod ang second year, third year at fourth year highschool. Malayo layo na ang kanilang nalalakad ngunit hindi halata sa mga mukha ng mga estudyante ang pagod dahil nageenjoy naman sila sa kanilang ginagawa, puro hiyawan at pagkanta ng chants nila ang maririnig. Isa na sa mga malalakas maghiyawan ay ang grupo nila Karylle na ngayon ay nasa unahan ng pila ng mga second year.
"OMG! ito talaga ang pinaka favorite kong part ng pagiging highschool ee, madami akong makikitang pogi dito! ohhh yeah!" excited na sabi ni Mariel.
"hahahah tumigil ka nga jan, malayo pa ba ang lalakarin natin? nakakapagod nakakauhaw josko -_-" reklamo naman ni Coleen.
"sa tingin ko malapit lapit na, andito na tayo sa may plaza ee konti nalang ikaw talaga.." sagot naman ni Karylle.
"ui guys naalala nyo ba yung deal natin last saturday night nung sleepover natin?" tanong ni Anne sa mga kaibigan na may mga nakakalokong ngiti.
"oo bakit ?" sabay sabay nilang tanong.
"well.......i think the deal will start in 3................2..............1............ action.!! ." Nakangising sabi ni Anne dahil nakikita nyang si Vhong ay palapit na papunta sa kinaroroonan nila ngayon na may dala dalang mga bote ng tubig.
"hi girls, water o baka himatayin kayo jan sa uhaw e heheh ang init pa naman" pabirong sabi ni Vhong sabay abot ng tubig sa magkakaibigan
"thanks Vhongskiee, pero si Karylle mukhang naiinitan sya o kamustahin mo nga... " pang aasar na sabi ni Anne para lapitan ni Vhong si Karylle, at d naman sya nabigo dahil lumapit agad ang huli kay karylle.
" ui ui hi kulot, kamusta ka na? long time no see ah, ..." masayang bati ni Vhong kay karylle na may pag akbay pa sa dalaga.
"ayos naman..." tipid na sagot ni Karylle dahil sa may nararamdaman syang konting kilig sa pagkakaakbay ni Vhong sa kanya.
"bakit ang tahimik mo , nakakapanibago ha :P " takang tanong ni Vhong na nakaakbay padin sa dalaga na sinabayan pa nya ng pagsundot sa tagiliran ni karylle dahilan para makiliti ito.
Sa pangungulit ni Vhong kay Karylle ay hindi mapigilan nila Mariel na kiligin sa mga nakikita nila.
"alam mo ang kulit mo , bumalik ka na dun sa mga kateam mo, sa basketball girls ang pila na'to oh, babae ka ba? atsaka baka hinahanap ka na sige na sige na *sabay alis ng kamay ni vhong sa balikat nya*" pangtataboy na sabi ni Karylle.
"ito naman, minsan na nga lang kita makita ganyan ka pa sakin, sige na nga byee see you around Kulots" paalam na sabi ni Vhong na ginulo ang buhok ni Karylle.
BINABASA MO ANG
Loved Your Music
RomanceDon't find for love, let love find you. Wag mag madali ienjoy ang buhay at hayaang dumating ang isang taong magpaparamdam ng tunay na pagmamahal at magpapahalaga sayo. Dalawang taong nagkasundo dahil sa music.. anong musika nga ba ang mabubuo n...