Chapter 8 || Jelly Bean

1.3K 29 5
                                    

Mga mag aalas siyete na ng gabi nang makauwi naman si Karylle sa kanilang bahay dahil sa pagyayaya ng kanyang mga kaibigan na kumain sa labas dahil daw sa panalo ng kanilang team, nang papasok naman na sana sya sa gate nang saktong may tumigil na isang motorsiklo sa tapat ng kanilang bahay nagtaka naman ito sa kung ano ang pakay ng naka motorsiklo.

"Delivery po para kay Ms Ana Karylle Tatlonghari" galak na bati ng isang delivery boy na may malaking ngiti sa labi


"Ahh ako yun kuya kanino po galing?" tanong ni Karylle sa nagdedeliver.


"ah ma'am mula po ito sa isang taong may initials na V,.... Papirma nalang po dito saka dito po" sabi ng delivery boy.


"wala ka bang idea kung sino itong Mr V na ito kuya?" tanong ni Karylle


"Naku Ma'am di po kami allowed na basta basta mag bigay ng details about our sender nang wala pong permiso mula sa kanila, hmmm pero mam hindi nyo po ba sya kilala? " pagsagot ng delivery boy.


"hindi po ee, hehehe sige kuya salamat huh" pasukong sabi ni Karylle


Matapos umalis ng delivery boy ay ipinasok na ni Karylle ang kanyang natanggap, dumeretso sya sa kanyang kwarto para buksan ito, kagaya ng mga naunang mga kahon ay may nakasulat lang itong initials na letter V sa labas ng kahon, ngunit hindi kagaya nung mga nauna ay mejo magaan ang natanggap nya ngayon. Nagulat naman sya nang buksan nya ang kahon, bumungad sa kanya ang isa pang kahon na nababalot sa matingkad na pabalat kaya naman binuksan nya uli ito, nang buksan naman nya uli ito ay isang mas maliit na kahon nanaman ang bumungad sa kanya na may kulay pulang pabalat at nang buksan nya muli ito ay ikinagulat nya nanaman dahil sa isang maliit na bola ng basketball ang laman nito na kasing laki lamang ng tennis ball, nang usisain nya ang maliit na bola ay nakita nyang pwede pala itong buksan dahil may maliit na zipper pala ito sa gilid, binuksan nya ang bolang maliit at nakita nyang may letter ito sa loob, nang basahin naman nya ito ay napapangiti na lamang sya sa bawat salitang nababanggit sa liham.


"To you my princess, i want to thank you for being my inspiration everyday,  may mga taong nagsasabi na hindi ka naman ganun kagandahan or kasosyal kagaya ng ibang babae, pero para sa akin ay napaka special mo at ikaw naman yung babaeng dapat na pinapahalagahan, iniingatan at minamahal ng totoo. You deserve to be loved I swear to God..

You know kahit na, hindi mo man ako kilala personally, sinisiguro kong sa pagkikita natin ay hindi ka makakaramdam ng takot, hindi ka malulungkot at hindi ka magsisisi dahil sisiguraduhin ko na kung iiyak ka man, ay sa kadahilanang iiyak ka sa sobrang tuwa sisiguraduhin kong hindi ka magsisisi na nakilala mo ang isang kagaya ko.

Sorry kung hindi ako nagpapakita or nagpapakilala man lang sayo for formality, because I know that we're still young and I just want you to enjoy your life. Hayaan mo nalang akong mabaliw sayo hehehe. o ayan i know tumatawa ka or napapangiti dahil sa sinabi ko hehehe

Anyway just keep smiling my princess, kasi sa mga ngiti mong 'yan, jan ako nahulog at jan ako nabaliw sayo...  Thank you for inspiring me everyday.. See you soon - V"


"Hayy !! bakit ka ba ganito? sino ka ba? gusto na kitang makilala ..." nasabi ni Karylle sa isip nya habang may ngiti sa labi sabay nahiga sa kanyang kama at maya maya pa ay nakatulog na din sya.




Kinabukasan

Ikalawang araw na ng school intramurals at ito na din ang araw ng laro ng basketball girls ang team nila Karylle at kanyang mga kaibigan, ang kalaban nila ang ay mga juniors hindi naman sila nagpapahalatang kinakabahan dahil sa malalaki ang kanilang kalaban kaya naman pumwesto at pumila nalang sila para mag shooting.

Loved Your MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon