20 minutes nalang bago mag umpisa ang klase ay nagmamadaling nagbubuklat at gumagawa si Karylle ng kanyang assignment sa Math dahil nakatulog na sya agad dahil na rin sa pagod mula sa audition kaya nalimutan narin nyang gawin ang mga ito. Nainis naman sya lalo dahil walang magtuturo sa kanya kasi absent pa si JM ngayong araw sa kadahilanang may emergency raw sa bahay nito kaya di rin nya masisi ang kaibigan kung bakit wala ito ngayon.
"Hi ate pwedeng pashare ng table? Wala na kasing vacant e" Tanong ng isang lalakeng maputi at mejo chubby.
"Ah yeah sure" kunot noong sabi ni Karylle sa lalake pero hindi nito tinitignan kung sino ang lalakeng kausap.
"Mag isa ka lang ba?" Tanong uli ng lalake.
"Nakita mo bang may katabi ako? Wala diba?" Masungit na sagot ni Karylle habang di parin tinitignan ang kausap nya.
"Sungit naman neto, ate meron ka nu?" Pailing iling habang patawa tawang sagot ng lalake.
"Pwede ba wag ka magulo, Can't you see I'm trying to con-...." Napatigil sa pagsusungit si Karylle nang malaman nya kung sino ang kanyang kausap kanina pa.
"Oh... Billy right?" Tanong ni Karylle sa binata na ngayon ay nakatingin ngunit may nakakalokong ngiti sa dalaga.
"Yes po, and you are Karylle ?" sabi ni Billy nang makaupo ito sa katapat na upuan ng dalaga, si Karylle naman ay tumango lang bilang tugon at bumalik na uli sa kanyang ginagawang pagbabasa.
"Diba ang homework sa bahay ginagawa kaya tinawag na homework?" Pangaasar ni Billy habang kumakain ng sandwich na inorder nya.
"Nakatulugan ko kasi kagabi e kaya di ko sya nagawa..." Karylle explained.
"Sus narinig ko na yang excuse na yan... Wag ako bes" pang aasar ni Billy kay Karylle na nagpatigil sa dalaga sa kanyang ginagawa.
"Hoy! Hindi ako nagawa ng excuse totoong nakatulog ako kagabi agad and wait what did you just called me? "BES"?, duh...hindi tayo close baka nakakalimutan mo... Tsk"pagsusungit ni Karylle kay Billy.
"Friends na tayo diba? Kasi you allowed me to share the table with you" nakangiting sabi ni Billy sa dalaga na nakakunot padin ang noo ngayon dahil sa inis sa kausap.
"Woah! Let me remind you na hindi dahil pumayag ako na share tayo sa table ay friends na tayo, baka nakakalimutan mo may atraso ka pa samin" pailing iling na sabi ni Karylle habang busy sa paggawa ng assignment nya.
"So? Is it about Coleen?" Sabi ni Billy at napasandal nalang sa kanyang inuupuan habang tinitingnan ang dalaga na nakatungo parin at nagsusulat.
"Kung hindi ka seryoso sa kanya please lang tigilan mo na sya..." Seryosong sabi ni Karylle na ngayon ay nakatingin na sa binata.
"Hmmm actually andto ako para humingi sana ng favor sayo, please?" Seryosong tanong ni Billy.
"Wow! favor? Osige ano naman yun?" patawang sabi ni Karylle sa binata na pailing iling at di makapaniwala sa naring nya.
"Tulungan mo ako mapasagot si Coleen please??" Pagpapacute ni Billy.
"Seriously? Baka nag jojoke ka nanaman" patawa tawang sabi ni Karylle
"Seryoso ako" plain na sabi ni Billy sa dalaga, na nagpatigil naman kay Karylle sa pagtawa.
"Ok fine pero binabalaan kita pag ito good time lang! Humanda ka sakin" seryoso na ring asta ng dalaga at bumalik na sa pagsusulat.
BINABASA MO ANG
Loved Your Music
عاطفيةDon't find for love, let love find you. Wag mag madali ienjoy ang buhay at hayaang dumating ang isang taong magpaparamdam ng tunay na pagmamahal at magpapahalaga sayo. Dalawang taong nagkasundo dahil sa music.. anong musika nga ba ang mabubuo n...