Chapter 11

163 5 0
                                        

Hi! Eto na po yung Chapter 11 sorry sa sobrang tagal na update. Anyways, enjoy! Godbless! :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 11

Khalil's POV

Monday na naman.

Balik na naman sa dati. Sobrang nakakaantok na classes at napakadaming pinapagawa. Nasa classroom ako ngayon at nagdidiscuss si Miss ng sobrang boring na lesson kaya ang mas mabuti pa ay wag nalang ako makinig. Joke. Pero kasi nakakaantok talaga eh. Hay -_-

These past few days parang wala na kong ganang pumasok sa school. Simula nung umalis si Julia, parang palagi na kong tahimik. Masaya parin naman kasama ang barkada at si bespren, pero parang kulang talaga pag wala si Julia eh....

Bakit nga ba ko nagkakaganito? Gusto niyo talaga malaman?

Well ang totoo kasi niyan, gusto ko talaga siya. Matagal na. Sino ba namang di magkakagusto sa isang katulad niya diba? Napakabait, maganda, sobrang humble, at simpleng babae. Ganun din naman si bespren pero ewan ko kung bakit kay Julia ako natamaan. Cheesy ba? Haha pagbigyan niyo na ko. Minsan lang 'to.

Kung tinatanong niyo kung may something samen, WALA. Walang wala. Oo, magbestfriends kami pero eto namang si ako ay masyadong duwag para umamin sakanya. Ilang beses ko na pinagisipan kung aamin ba ko o hindi, pero wag nandun na, bigla nalang akong kakabahan at di ko alam ang sasabihin. Kaya sabi ko sa sarili ko, mas mabuti na na magbestfriends kami. At least di siya naiilang at nasasabi niya pa sakin yung mga problema niya. Pero nung naging sila ni Daniel, parang nanghinayang lang ako na hindi ako umamin eh.

Kasi simula non, di na siya masyado nag-oopen up sakin. Kaya dun ko naging mas close si Kath. Pero kahit kay Kath, di ko sinabi na may feelings ako para kay Julia. Mahirap na eh, baka mabisto pa ko ng wala sa oras.

*bell rings*

Nagsimula ng maglabasan ang mga classmates namin at pati na rin ang barkada. Tumayo na din ako at lalabas na sana ng classroom ng may nakita akong kaklase kong babae na di pa tumatayo. Nagtaka ako kaya naman lalapitan ko sana siya para sabihin na uwian na pero bigla akong hinigit ni bespren.

Kath: "Uy bespren! Tara na!! Gusto ko ng umuwi!" Sabay hila sakin ni Kath.

Khalil: "Sige, sige mauna ka na muna. Susunod nalang ako." Sabi ko naman sakanya. Wala na siyang nagawa kaya tumango nalang siya.

Bumalik na ang tingin ko dun sa babae. Ano nga bang pangalan niya? Sue ata eh? Tama, yun nga. Nakapartner ko na din siya dati nung may activity sa class, if i'm not mistaken. Siya yung tinaguriang "nerd" sa klase. Sa glasses naman kasi niyang napakalaki at walang ibang ginawa kundi ang magbasa, eh mapagkakaila na na "nerd" talaga siya kaya naman wala masyadong pumapansin sakanya.

Tatayo na sana siya ng may pumasok na 3 pang babae na kaklase din namin at sinadyang binangga siya kaya naman nahulog ang dala-dala niyang books. Bigla namang tumigil yung tatlo.

Girl #1: "Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Ang laki-laki na nga ng glasses mo ang lampa mo parin! Nerd! Hahaha!!" Sigaw niya.

Sue: "U-uh s-s-sorry." Sabi niya ng nakayuko.

Girl #2: "Sorry? Hahahaha!! Get out of our sight!" Sigaw naman nung isa.

Habang nakayuko parin, pinulot ni Sue yung mga nahulog niyang books at tumayo na at aalis na sana ng biglang natalisod siya at muntik ng madapa face-first sa sahig. Kaya naman sinalo ko siya agad upang hindi siya madapa at nagulat naman siya nang bigla akong sumulpot.

I Knew You Since ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon