Chapter 12
Kath's POV
Agad akong nagkiss kay mommy nang makita ko siya.
Mommy Min: "Hi Kath. How's your day?"
Kath: "Okay lang po ma. Medyo nakakastress lang sa school--"
Di ko natuloy yung sinasabi ko kase sumingit si Manang.
Manang: "Pero balewala yung stress kung may inspirasyon diba Kathryn?" Sabi nya sabay smirk haha talaga tong si Manang, lakas maka bagets! Haha.
Kath: "Inspirasyon ka dyan Manang? Pangarap, yun ang meron ako!"
Mommy Min: "Di naman masama kung may inspirasyon ka anak. Basta, choose wisely ah."
Kath: "Sino po si wisely ma?" At ayun, dahil sa kapilyuhan ko, nakatanggap ako ng batok kay mommy.
Mommy Min: "Ewan ko sayong bata ka. Haha. Pero seryoso, sino yang inspirasyon na yan ah?"
Manang: "Manliligaw po ni Kathryn!" ANO RAW? MANLILIGAW? Nanlaki naman agad ng mata si mommy.
Kath: "Manang naman. Ma, wala po yon, kaibigan ko lang po yung pumunta dito kanina."
Mommy Min: "Lalaki? Ilan? Sino? Anong ginawa nyo? Bat sya andito kanina? Bat di ko sya nakilala? Ano--"
Kath: "Ops! Wait lang ma, hinay hinay lang, mahina kalaban."
Mommy Min: "Oh ano lalaki ba yon?"
Kath: "Opo."
Mommy Min: "Ilan?"
Kath: "Magisa lang po sya."
Mommy Min: "Bakit di ko siya naabutan?"
Kath: "Eh kase po, umuwi na po sya kase nagtext daw po yung Mama nya. Dumaan sa terrace, boring daw pag sa gate eh. Ewan ko ba dun."
Mommy Min: "Ay! Ayos yan ah. Sayang di ko nakilala. Eh anong ginawa nyo?"
Kath: "Tinulungan nya lang po ako sa Calculus na pagkanda hirap hirap."
Mommy Min: "Sorry nak, di ko kase masyadong gets yang mga yan. Saka, wala rin akong time minsan para sayo. Sorry ah."
Kath: "Aysus! Nagdrama si mommy. Haha. Okay lang po yun. Nakakapag bonding pa rin naman tayo paminsan minsan, tulad ngayon. Naintindihan ko naman po." tapos hinug ko siya. Kahit naman puro business inaatupag ni mommy, alam ko naman na para rin sakin yung ginagawa nya eh.
Mommy Min: "Tara na kain na tayo gutom na ko. Haha."
At ayun, kumain na kami ng dinner. Actually natutuwa pa nga ako kasi kahit papaano, nakakakain pa ko kasama ng mommy ko. Kasi diba yung iba, paggising, nakaalis na yung magulang, pag uwi naman ng magulang, tulog na yung anak. Buti nakakapagsimba pa kami ni mommy ng sabay. Yung iba, di na nakakapagsimba. Sobrang thankful ko pa din at masasabing maswerte pa din ako kase nakukuha ko yung mga kailangan ko. Hay nako, ang drama ko haha.
Mommy Min: "Nak, pero seryoso nga, pano kung may manliligaw ka na? O baka naman may boyfriend ka na?"
Kath: "Ma naman, wala pa po kong balak. Studies muna. Haha, odiba. Pero oo nga ma, wala pa sa isip ko yang boyfriend boyfriend na yan. Haha."
Mommy Min: "Chandria, walang masama sa pagboboyfriend basta't alam mo yung priorities mo. Tandaan mo, pag nagmahal ka, wag mong ibibigay buong buo kase pag nawala yan, ano, wala nang matitira sayo? Di pwede. Oo, normal lang magkamali, pero sana naman pagisipan mo kung sino talaga yung mahal mo. Sana di ka matulad saken." Seryoso si mommy, Chandria ang tawag saken eh. May binulong sya sa last part, medyo narinig ko naman pero hay ewan.

BINABASA MO ANG
I Knew You Since Then
ФанфикA story about friendship and love. A story about rivalry and hatred. A story that can truly blow your hearts out. Ordinary people whose worlds began to collide, Kathryn and Daniel will tell us what true love means, together with their most precious...