ang kaganapang ito ay bago maganap ang tagpo nina Caelum at Alexandria.
[ Y R I E L L E ' S POV ]
"ANO?! BAKIT SIYA PA!?" gulat na hiyaw ko kay Ren, narito pa kami ngayon sa isang silid dito sa palasyo ng Melifica. Sa silid na ito madalas ginagawa ang pag pupulong at taktika namin dahil sa gitna nito ang isang malaking mesa na may mapa ng buong planeta ng Junon at pag kinumpas mo naman ang iyong kamay sa ibabaw nito lilipat iyon sa mapa na nais mo makita.
"Ngayong araw mo lang naman siya pag tatyagaan Yrielle" sambit ni Ren habang minamasahe ang noo niya dahil kanina pa ako umaapila.
bakit? Ang kapartner kong susugod sa Purifica eh mas malakas pa sa buhawi ang hangin sa katawan.
"Oh come on! don't try and hide the excitement Yrielle. I know that deep inside you are screaming at the top of your lungs because you get to have a solo time with me."
Halos mangirat ang mga mata ko sa sinabi ni Caelum. Kaya niyukom ko ang aking mga kamao at inangat iyon upang ipakita sakanya kasabay 'nun ang pag liyab ng apoy sa paligid ng kamao ko.
"Ako.. ba talaga eh susubukan mo ha? Paplantyahin ko talaga yang dila mo!" Inis na bulyaw ko. Bigla na lamang hinampas ni Ren ang malaking mesa kaya bahagyang lumabo ang hologram na mapa ng Purifica.
"Tama na yan!" suway samin ni Ren kaya wala akong nagawa kundi singkitan nalamang ng mata si Caelum. Ngunit tinugon naman niya iyon ng kindat. Argh! nakakapang init ng dugo ang isang ito.
"Dito ang lokasyon n'yo." Habang may tinuturo sa parte ng mapa ng Purifica. Mukang pamilyar iyon a? "Puricho Mejai Market?" Tanong ko kay Ren.
"Oo tama diyan nga, lumikha kayo ng gulo pero siguraduhin niyong babalik kayo ng buhay." natawa naman ako ng bahagya sa biro ni Ren.
"wag mo sakin sabihin yan kay Caelum!"
"aww now your concern. how sweet how about let's seal this sweet scene with a kiss." Akmang lalapit na siya sakin ng angatan ko siya muli ng kamao.
"Subukan mo at ako mismo mag hahatid sayo aa huling hantungan mo." banta ko. humarap ako muli kay Ren.
"Pwede bang ako nalang? " nakapamewang suwestyon ko.
"Hindi. Dahil sa dalawang dulo kayo mang gagaling kaya kailangan kayong dalawa" napabugtong hininga nalamang ako.
Si Ren ay magaling gumawa ng plano napaka lusog ng utak niya. Kaya ni-isa samin di na nag aabala pang mag tanong kung bakit dahil matatalo ka lang sa debate ng kung ano man iyon. Kahit kelan di na namin nagawang kwestyunin kung bakit siya ang napiling kanang kamay ni Shiku.
"Fine. FINE!" inangat ko ang aking kamay senyales ng pag-suko. Humarap naman ako kay Caelum at pilit kong pinigilan ang katawan kong sapakin at patayin siya.
"And you!" sabay duro ko sa dibdib niya. "Stay out of my way! wag kang pabigat sakin boy." at binangga ko siya mauuna naako bahala siya sa buhay niya.
"Handa na ang Griffons yun ang sakyan n'yo patungo dun para mabilis!" Hiyaw sakin ni Ren
Agad akong nag tungo sa labas at nakita ko ang apat na sevaka na hawak-hawak ang kadena ng Griffons.
"Ma'am Yrielle." At agad saking inabot ang kadena. Di ko nalang siya pinansin at sumakay na sa aking naka pulang kalasag na Griffon.
Isa itong uri ng lumilipad na hayop parang leon na tigre. May apat na paa at malalaking pakpak na tila pang ibon.
BINABASA MO ANG
Continental Feud
Fantasyits an endless battle between good and evil. The war has begun.