Outsider

208 17 40
                                    

                                                 Matapos malayang makatakas ang mga Melificans tangay ang isang 'di pa napagkakakilanlan na nilalang...

[ S a p h y r a ' s POV ]

Tumatakbo ako ngayon patungo ng sentral na pamilihan kung saan naganap ang banggan ng dalwang Melifican at sina Alex at Synthx. Agad akong pinadala ng Reyna sapagkat ang ibang Frontliner na ligtas ay rumerespunde rin sa ibang lugar. Ngunit nagkataon lang na sa Sentral nag bunggo ang dalawang grupo. 

Halos mapaluwa ang mata ko dahil ang kapaligiran ko  ay parang isang malaking tambakan ng basura. Lahat sira walang pinatawad. Nakakaawa....

"ALEX!! SYN!!" Laking gulat ko ng makita ko silang parehang walang malay dito sa gitna. Alam kong di kakayanin ng normal na tenga ang sonic scream ko pero wala na akong ibang paraan pa mas higit na kelangan nila ng medikal na atensyon. Kaya naman humiyaw ako para matawag pansin ng ibang frontliners na kailangan ko ng tulong nila.

"Syn!! Syn!!" Hiyaw ko habang inaalog siya ngunit ni isang galaw ay wala siyang pinakita kaya naman kinabahan ako. Pag angat ng ulo ko para tignan si Alex buhat buhat na siya ni Vlad. 

"Vlad kamusta siya?" Di biro ang nakalaban nila sabayan pa ng matining na tugtin ni Syndra ng Melifica satingin ko masyado naman atang napaka daya nun.

"Kelangan na natin sila ihatid pabalik sa palasyo para magamot. Mukang masama lagay nila." Seryosong sabi ni Vlad. 

"Ahh ehh... Vlad"

"bakit?"

"Pwede bang ikaw kay Syn? ako nalang kay Alex?" Kamot ulo kong sinabi. Pakiramdam ko kasi mas magaan si Alex kesa kay Syn.  At yung totoo sa liit kong to ako bubuhat kay Syn.. err papabugbog nalang ako sakanya.

Sinuklian naman ako ni Vlad ng matipid na tawa. "Di mo ba alam pag narinig ni Syn yan e.. baka paslangin ka niya?" Pabiro niyang sabi kaya naman napanguso ako.

"Ehhhh~ Wag ka na kasi maingay Secret lang yun!! Wala rin naman akong sinabing mataba siya.. um. eh.  Less effort kasi pag si Alex sakin" Oo ako na mag bubuhat kay Alex wala ng panahon para mag inarte. Kelangan namin sila maihatid pauwi e.

"Sa Klinika nalang sa loob ng palasyo na natin sila ideretso" Suwestyon ni Vlad habang tinatahak namin ang daan pauwi.

Parehas naming buhat sina Syn at Alex. Hay! Alex kung lalake lang ako swerte mo at nabuhat kita daig pa natin run-away groom and bride e. 

Nang makasalubong namin si Zack at Alice pag pasok ng gate ng palasyo. dali daling tumakbo samin si Alice "Ayos lang kayo? tara na dali kailangan nila ng marapatang lunas!"

At ang pinaka gentle man na si Zack at tinitigan muna ako ako saka nginitian. " UY! Sap! Nice bride!" Sabay kindat sakin kinuha niya sakin si Alex laking gulat ko ng isampay niya sakanyang balikat ang nabugbog na si Alex.

"ARAY!? TAE NAMAN SAPHYRA! PARA SAN YUN?! KINUHA KO NA NGA KARGO MO E!" Bulyaw niya sakin

"Sira ulo!! UNA DI KARGO YAN! PANGALAWA AYUSIN MO BUHAT MO!" Taba ng utak neto!

"Tch!" Sawakas.. inayos niya ang pag kakabuhat kay Alex samantalang di ko napansin na tinatawanan pala kami nina Vlad at Alice.

"Tara na nga wag na kayo mag LQ jan!" hirit ni Alice.

"Mamaya na yang ligawan tara na Zack"  Aya ni Vlad at dali-dali kaming nag tungo papunta sa isang silid na tinuturing naming klinika. tanging mga frontliners lamang ang gnagamot dito. 

Continental FeudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon