Au Revoir Amor

171 14 25
                                    

[ S A F R I N A ' S POV ]

Napatingin ako sa gawi ng palasyo ng makadinig ako ng malakas na pagbasag, bintana siguro un?

At nakita ko naman si Ashley na lumilipad pa gawi ko, bahagya niyang inalog ang kanyang katawan sa ere para malaglag ang makikinang at maliliit na bagay na nalagay sa pakpak niya. Teka bubog ba yun?

Napatingin ako sa gawi ng pinanggalingan niya, ng mapansin ko ang basag na bintana. Tinamad nanaman siguro ito dumaan sa pintuan.

"Ateeeee Safffffyyyyy!!!!" masiglang bati niya sakin.

"Lagot ka kay Ren at nag basag ka nanamang ng bintana Ash." pailing kong sabi.

"ahh e.. Sasabihin ko si Caelum may gawa niyan!!" naupo siya sa tabi ko.

"at syempre kakampihan mo ako dibaa?" malapad na ngiti ang meron sa labi niya at siniko pa ako ng pabiro. Baliw talaga to idadamay pa ako sa kalokohan niya.

"ay nako wag mo ako idamay jan si Syndra nalang tutal kayong dalawa naman ang madalas na magkasama sa kalokohan."

bumagsak ang balikat ni Ashley sa sinabi ko at bumusangot.Oh? mag kaaway siguro sila?

"napano ka? magkaaway kayo?" nag aalala kong tanong dahil halos parang magkapatid na yung dalawasa pagiging dikit.

"pano ba naman kasi ate hinagisan niya ako ng cornik sa bibig habang humihikab!!" padyak niyang reklamo.

lihim akong natawa sa mga nadinig ko. Hindi na bago para saamin ang ganitong klase ng pag bibiro madalas.. ay hindi, LAGING pasimuno nito si Shiku.

Katulad nalang ng buhusan nila ng nag yeyelong tubig si Abigail habang tulog. Sinunog nila ang kurtina ni Ren at marami pang iba. Maswerte na ako marahil di pa nila ako nabibiktima kaya naman pilit kong inaalerto sarili ko.

Wala akong pinag sisihan at umanib ako sa Melifica. Dahil kahit na kinamunuhian kami ng mga Purificans. Naniniwala ako na kilala lang nila kami sa pangalan at pangugulo.

pero hindi nila alam ang storya namin. Isa kaming pamilya na pnamumunuan ng isang mapagbirong Ama. Lahat kami ay kanikanyang dahilan sa pag laban maliban sa pag suporta namin kay Shiku.

Maluwag niya kaming tinanggap kung ano man ang nakaraan namin.

nagulat naman ako ng pumalakpak si Ashley. "ay ay ay!! naalala ko na!!"

"ang alin?" akala ko naman kung ano yun.

"Si Shiku nakapag desisyon na tungkol sa Aurora Rift." natigilan ako ng madinig ko iyon. Oo nga pala, nag dadalawang isip siyang lumahok at pag iisipan niya pa raw iyon.

"Ano daw?" napaharap ako kay Ashley dahil sa nais kong malaman kung..

"lalaban tayo. Lahat tayo.. ito na ang huling digmaan ate Safrina.."

so dumating na nga.. ang araw na dapat mag harap kami. Gusto ko ng tapusin to wakasan lahat ng sakit at hinanakit..

"oii ate san ka pupunta!!" hiyaw sakin ni Ashley dahil tumayo ako at nag lakad palayo.

"Mag papahangin lang" matabang kong tugon at di na siya nilingon pa.

"EHH?! GABI NA ATEE!!" di ko na siya pinansin at pinakinggan na lamang ang pagaspas ng mga halaman dito sa malawak na hardin.

Tinawag ko ang elemento ng hangin, upang dalhin ako sa kung saan. Kung saan maaring makapag isip ako ng mabuti. Inikutan ako ng hangin na parabang kinulong ako sa loob ng isang ipo-ipo.

Continental FeudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon