The Final Sacrifice

144 12 101
                                    

[ third person POV ]

Dali-daling humabol si Zack sa kaibigang hinahabol narin ng kalaban, ng mapansin niyang papunta pala sa gitna ng isla ang tinatahak nilang daan.

"ay takte naman. akala ko naman natatakot si Saphy-boy" pinagpatuloy parin niya ang pag sunod.

Tama focus on target lang dapat. ang bandila ng Melifica at dapat pabagsakin. yun lamang ang inulit ulit niya sa kanyang sarili.

Ng bigla nalamang may matigas na bagay ang humampas sa tiyan niya dahilan para tumalsik siya sa ere

Biglang lumabas sa pag tatago si Maby sa likod ng isang puno hawak ang kanyang baston.

Hinampas lang naman niya ng buong pwersa si Zack na parang isang baseball at ginamit niya ang kanyang baston na parang baseball bat sa pag hampas kay Zack.

"One point for Maby Rouge" puri niya sa sarili.

habang nasa ere. nag palipad si Zack ng daggers na baon-baon niya.

ngunit walang ganang sinalag lang iyon ni Maby, alam na alam na niya ang ganoong klase ng mga bato. Dahil sa nakalaban na din ni Maby si Caelum na experto sa ganoong armas

pinigilan ni Zack ang pag talsik niya sa pamamagitan ng pag levitate niya sa sariling katawan.

"soo..  ikaw pala ang Omnipotent front liner ng Purifica.." isang nakakatakot na ngiti ang bumakas sa muka ni Maby.

marahang lumapag si Zack, habang naka pamulsa. "O tapos." maldito niyang tugon. Dahil ang nasa isip niya ngayon ay bakit ganoon nalang ka-creepy ang muka ng katunggali niya..

"tapos ka na." mariin na binitawang salita ni Maby.

mabilis ang pangyayari mabilis na palitan ng suntok at abilidad ang pinakawalan ng dalawa. halos para silang dalawang liwanag na sumasayaw.

agad nag palutang ng mga bato si Zack at pinuntirya niya si Maby.

tumabling,tumalon at umikot si Maby para maiwasan lahat ng iyon.

napansin ni Zack na parang may pattern ang galawan ng kalaban.

agad nag palabas ng bolang itim si Maby sakanyang mga kamay at ihinagis yon pagawi ni Zack

ng maiwasan ni Zack ang itim na enerhiya laking gulat niya dahil si Maby na pala ang kasunod.

"Argh!" inis na bulong niya. Sinalag ni Zack ang baston ni Maby.

pero sadyang may sa demonyo ang kalaban dahil napakalakas nito tumulak kaya naman bahagyang napaatras ang mga paa ni Zack.

napakabilis ng pangyayari. Dahil sa maling hakbang na iyon ni Zack bigla nalamang umilaw ang lupang inaapakan niya.

halos lumuwa ang mata niya sa gulat. "El Captor Dark Cirio" inis na bulong ni Zack.

isa itong Dark magic na sa oras na mactivate ay mabibihag ang nakaapak dito. malabong makatakas pa, madalas itong ginagamit para sa mga gagawing alay sa demonyo na nag pipilit makatakas.

"Huli ka." bulong Maby kay zack at mas lalong nilakasan ang tulak para mas mapaatras ito. agad na pinagaspas niyang pinagaspas ang pakpak para makalayo at hindi masama sa mangyayaring pag kulong.

maiitim na galamay ang biglang umangat sa lupa at pumulipot lahat kay Zack.

"duwag!!" hiyaw niya kay Maby.

pero di siya pinansin nito at nag handa nanaman sa panibaging orasyon na gagawin.

inangat ni Maby ang dalawang kamay at gumawa ng hugis triangulo itinapat ito sa gawi ni Zack na ngayon ay unti unting  binibihag ng itim na galamay.

Continental FeudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon