[Bestfriendzoned] The Bestfriend

238 5 0
                                    

° Bestfriendzoned °
Arc 1
The Bestfriend.
w o o z i

⭐★⭐★⭐★⭐★⭐★⭐


LEE JIHOON

is the bestfriend. He was nothing more than that. Just the bestfriend.

But what does little Jihoon wants to be?

To be Choi Seungcheol's source of smiles, laughs and cries.

To be loved by his bestfriend.

—————

Lee Jihoon's

"Uji beybeeeh~"

Agad akong napalingon sa nakakairitang boses na iyon. Sino ba naman ang hindi maiirita e, kung hindi binababoy ang pangalan ko, kung ano-ano namang jejeng endearments and idinudugtong do'n.

As usual, si Choi Seungcheol na naman. Ang dakilang panira ng araw ko. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi ko alam kung bakit ang nakakasilaw na gilagid niya ang sumasalubong sa akin tuwing umaga pagkagising ko, at ang huli kong nakikita bago matulog. Hirap kapag karoommate mo ang bestfriend mong may topak.

Lumapit si Seungcheol sa akin, may panis na laway pa siya at muta. Napakagandang view naman para simulan ang araw ko.

"Ujiiiiiiiii~ namiss kita~" Malambing niyang sabi bago ako niyakap ng mahigpit mula sa likod. Pinabayaan ko lang siya at itinuloy ang pagtutoothbrush ko hanggang sa mapatingin ako sa salamin sa harap ko. Nakita ko ang repleksiyon namin, yung nakahilig niyang ulo sa balikat ko pati na rin yung nakapulupot sa bewang kong mga braso niya.

Isa pa 'tong mahirap sa lagay ko bilang bestfriend niya. Sobrang clingy niya. Yung tipong napagkakamalan kaming may relasyon, pero ang totoo? Ang masaklap na totoo? Bestfriends lang.

"Ayiiieeeee! Kayo na ba?"

"Hindi no, bestfriends lang."

Bestfriends lang. Walang malisya. Pure bromance lang. Kung sana pwedeng mawala yung 'b' para romance na lang no? Kung ganon lang sana kadali e, baka matagal ko nang pinaban ang letter b sa mundo ko.

"Date tayo mamaya?" Tanong niya sa akin bago tumingin sa mga mata ko sa repleksiyon namin sa salamin.

Date? Isa pa yun e.

Seungcheol naman, kung yayayain mo ako sa isang 'friendly date', buoin mo! 2 syllables lang yung kulang. Friendly! Friend-ly. Frend-li. Mahirap bang sabihin yun? Yan tuloy, umaasa na naman ako.

"Saan naman? May klase ako hanggang 4pm." Sagot ko sa kanya bago magmumog sa lababo. Hindi niya pa rin inaalis yung pagkakayakap niya sa akin. Hayst.

"Hmmm. Sige, sunduin na lang kita sa klase mo." Sagot nito. Tumango-tango ako sa kanya at iniwasan na magtama ang mga mata namin sa salamin. Baka mahalata niyang dumadagundong na ang puso ko.

Inalis ko ang pagkakayakap niya at lumabas ng banyo.

"Hoy Seungcheol, wag mo ubusin yung toothpaste a!" Sigaw ko sa kanya pagkatapos niyang isara ang pinto.

"Opo!"

That's it. Siya si Seungcheol.

Ang bestfriend kong manhid  na mahal ko higit pa sa isang bestfriend...

Locket Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon