° Paradise °
Arc 2
Love Advice?
w o o z i⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪
"Soons! Malelate na tayo!" Kasunod ng pagtawag na yun ay narinig ko ang sunod-sunod na pagkatok ni Scoups sa pinto ng kwarto ko. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin para tingnan ang ayos ko. Nakasuot ako ng itim na T-shirt at itim na ripped jeans. Nagtali ako sa bewang ko ng jacket na may pula at itim na stripes. Nang makuntento ako sa suot ko ay lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Scoups na naghihintay sa akin. Nakasuot siya ng dark blue na Vneck shirt na pinatungan niya ng gray na cardigan at jeans.
Asking why are we so dressed up? Niyaya ako ni Scoups na magdate. Ito ang unang date namin simula ng maging boyfriend ko siya at wala na ata akong isasaya pa. Though the sudden and short strikes of pain inside my heart still bothers me.
Hindi ko alam kung bakit may mumunting sakit sa dibdib ko sa tuwing sasaya ako. Kasunod ng mga pagngiti ko kay Scoups ay parang may mga karayom na patuloy na tumutusok sa puso ko. Isn't that weird? Kasi diba, dapat masaya lang ako, masaya naman talaga ako, pero hindi ko lang talaga maintindihan yung sudden heartaches na yun.
"Alam naman nating cute ka kaya hindi ko na sasabihin. Tsaka antagal mo magayos, para kang babae." Nakaismid na sabi no Scoups sa akin kahit naman may matamis na ngiti ang nakaukit sa mga labi niya.
Hindi na lang aminin na gwapong gwapo siya sa akin ngayon, tsk.
"Tara na nga!" Sabi ko sa kanya at inilahad ang kamay ko. Tiningnan niya lang yun bago ako inakbayan at hinila papalapit sa kanya. Saglit akong napangiti sa ginawa niya.
"Matutuwa ka sa una nating pupuntahan." Nakangiting sabi ni Scoups bago ako hinila palabas ng pinto.
--------
"Isang orphanage?"
Napatitig ako sa malaking poster na nakasabit sa gate. Nasa tapat kami ngayon ng isang orphanage at sa labas pa lang ay dinig na ang halakhakan ng mga bata. Hindi ako ganon kagaling sa mga bata, kaya medyo nagtataka ako kung bakit ako dinala dito ni Scoups.
Then it strucked me, dinala niya ako dito hindi bilang si Jihoon, kundi bilang si Soonyoung.
"Namiss mo ba to?" Nakangiting tanong niya bago ako hinila papasok.
Malawak ang bakuran ng orphanage. May mga puno ng cherry blossoms, at kung ano-ano pa. Napakaaliwalas ng paligid. May mga batang naglalaro sa paligid at meron din namang mga nagbabantay sa kanila.
Nanlaki ang mata ko ng sumipol si Scoups at nagsilingunan sa amin ang lahat ng mga bata. Kinabahan ako at napakapit sa damit ni Scoups. Nginitian niya lang ako at hinawakan ang kamay ko.
"Kuya Soonyoung! Kuya Scoups!" Sigawan ng mga bata bago tumakbo papunta sa amin at niyakap kami. Halos hindi na ako makagalaw sa dami nila. Hindi ko na rin marinig ang sinasabi ng bawat isa dahil lahat ata sila ay nagsasalita.
"Kuya, namith namin kayo!"
"Kuya, tingnan niyo o! Tumubo na yung ngipin ko!"
"Kuya, laro tayo!"
"Yay! Maglalaro kami ni Kuya Soonyoung ng basketball!"
Napatingin ako kay Scoups at tuwang tuwa lang siya habang nakikipagusap sa mga bata habang ako ay medyo naiirita na. Gaya nga ng sinabi ko ay hindi ako magaling sa mga bata. Magugulo sila, madadaldal, at parang palaging gusto lang na maglaro.
"Gusto niyo bang magbasketball uli tayo? Tapos tatalunin na natin sila Kuya Soonyoung ngayon?" Tanong ni Scoups na nagpalaki sa mga mata ko.
"Scoups! Hindi ako marunong-"
BINABASA MO ANG
Locket
Random[Tales Of The Traveling Charm Series #1] A bridge that connects two different worlds, two different souls and two different stories. "Be me and I'll be you." In which Soonyoung and Jihoon exchanged worlds ◽ Foolish Love, Indeed But no doubt, it was...