[Paradise] How to be Kwon Soonyoung; Smile!

113 4 0
                                    

° Paradise °
Arc 2
How to be Kwon Soonyoung; Smile!
w o o z i

⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪

"Hi, Soonyoung!"

"Wow, Soonyoung, gwapo natin ngayon a!"

"Morning, oppa!"

"Oppaaa~ notice me hihi!"

"Pards, musta na?"

Nginitian ko na lang yung lalaking tumapik sa balikat ko bago nagsimulang maglakad palayo. Nang makalayo ako ay binilisan ko ang lakad ko para makapasok sa classroom na itinuro ni Scoups.

Hindi naman sinabi sakin ni Soonyoung na daig niya pa si Alden Richards, ang pambansang bae, dito sa school nila. Punyeta, hindi na ako makagalaw ng maayos sa mga regalo at love letters na ibinigay sa akin ng mga fangirls niya sa labas pa lang ng school. Tapos mukhang kaibigan niya pa lahat ng estudyante dito, kaliwa't kanan ang bumabati sa akin. Hindi ako sanay.

Alam naman nating lahat na dalawa lang ang kaibigan ko, si Seungcheol at Seokmin. Kaya hindi ako masanay na bigla na lang may nakikipagfist bump o kaya ay chest bump, head bump, beso-beso, handshake sa akin.

Nagtanong tanong naman ako para mahanap ang locker room at ilagay ang mga regalong to do'n. Nakarating naman ako kaagad do'n. Ibinaba ko muna yung mga hawak kong boxes bago binuksan ang locker. Napanganga naman agad ako ng biglang binaha ng mga sobre at mababangong papel ang paa ko na nahulog mula sa loob ng locker ng binuksan ko ito.

"Wow. Just fucking wow, Soonyoung."

————————

"Ano bang nangyayari? Bakit ganon na lang ako batiin ng mga tao dito sa school niyo?!" Nakabusangot na tanong ko kay Soonyoung sa harap ng isang pocket mirror. Nandito na ako sa bahay at pagkauwing pagkauwi ko galing school ay binuksan ko na agad ang locket at nagdala ng pocket mirror dito sa loob ng kwarto. Kasalukuyan akong nakaindian sit sa kama at nakaharap kay Soonyoung.

Napakamot siya sa batok niya at nahihiyang ngumiti sa akin.

"Alam mo kasi, nakapagdala na ako ng maraming trophies diyan sa school kaya medyo sikat ako." Nahihiya niyang sabi.

Napasimangot ako. Pahumble pa siya e, mukhang pambansang bae siya ng school nila.

"Medyo?! E halos lahat ng madaanan ko ay binabati ako e!"

"Sorry na! Medyo friendly kasi ako e hehehehe..."

Sobra. Hindi medyo.

Napailing iling na lang ako ng magpeace sign siya sakin.

"So pano na ang gagawin ko nito? Paano ba maging ikaw?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at saglit na nawala sa frame ng mirror at mukhang may kinuha mula sa mesa. Pagkatapos ay muli siyang humarap at ipinakita ang isang papel na mukhang listahan.

"Okay, magsisimula na ang lesson natin tungkol sa akin! Number 1. Smile!" Nakangiti niyang sabi sa akin sabay peace sign.

Natatawa na napailing ako sa kanya.

————————

Sinubukan kong ngitian lahat ng madadaanan ko kahit tangina, ngawit na ngawit na ang mga labi at pisngi ko. Simula kanina ay ngiting-ngiti na ako. Dinaig ko pa nga ata yung mga artista sa isang fanmeet e. Yun kasi ang sinabi ni Soonyoung sa akin, yung totoong Soonyoung. Naalala ko pa nga yung exact words e.

"Para kasi akong boyfriend ng lahat. Kailangan batiin ko sila kada umaga, ewan ko, naging habit ko na e. Tsaka parang printed na sa mukha ko yung ngiti ko kaya nakasanayan ko na."

Palakpakan naman para sa boyfriend ng bayan.

Dumiretso na ako sa classroom at nakita ko dun si Scoups na nakabusangot habang nakaupo sa tabi ng upuan ko. Inilagay ko muna yung bag ko sa upuan ko bago siya nilapitan at tinanong.

"Hoy, problema?" Tanong ko sa kanya. Saglit niya lang akong tiningnan bago ako sinimangutan at inirapan.

Wow.

"Edi wag." Bulong ko sa sarili ko at iniwan na siya.

Mabilis na nagsimula ang unang klase namin at mabilis din namang natapos. Nakita ko pa si Scoups na pasimpleng nagmomobile legends sa ilalim ng desk niya sa kalagitnaan ng pagtuturo ng guro namin kaya nung nagquiz, kulang na lang e, kopyahin niya yung pangalan ko sa answer sheet ko.

Oo, pinakopya ko siya.

Tangina, Jihoon, tangina. Baka nakakalimutan mong hindi yan si Seungcheol? Hayst.

Pero okay na rin. Yun din naman ang gagawin ko kapag si Seungcheol na ang lumapit sa akin e. Bigay lang ng bigay. Kahit wala ng maibigay, gagawa at gagawa ng paraan para may maibigay pa rin. Isa lang naman ang hinihingi ko e. Yung pagmamahal niya.

Oo na, ako na si Tanga. Pero masisisi niyo ba ako? Lahat naman tayo ay dumaan sa stage ng 'katangahan' sa buhay diba. Siyempre kailangan mo yun bago ka matuto.

Kaya eto, pareho kaming nakaperfect score, pinagdudahan tuloy kami ng guro namin kaya nizero niya kami sa quiz namin. Tangina.

Tapos eto si Scoups ngayon, ni hindi pa rin niya ako pinapansin. MATAPOS KONG ISAKRIPISYO ANG SCORE KO SA QUIZ, GAGANYANIN NIYA AKO?! HINDI PWEDE.

Palabas na siya ng room para maglunch sa canteen ng piningot ko ang tenga niya at hinila siya papasok sa loob. Isinandal ko siya sa blackboard, tutal nasa labas na ang lahat ng estudyante kaya magagawa ko ang gusto kong gawin sa kanya.

;)

"A-aray!" Reklamo niya ng tumama ang likod niya sa blackboard. Nagawa ko siyang itulak kasi mas tumangkad na ako ngayon, hindi tulad noon na hindi ko magawang paatrasin si Seungcheol dahil sa height ko.

"Ano bang problema mo hah?! Pinakopya na nga kita't lahat lahat, nazero pa ako sa quiz, pero hindi mo pa rin ako pinapansin! Nakakapunyeta ka, alam mo namang hindi ako sanay na hindi mo ako pinapansin tapos gagantuhin mo ako?! Tangina naman Seung—" Napatigil ako. Teka, si Scoups to Jihoon. Scoups, hindi Seungcheol.

"Wag mo akong minumura, Soonyoung. Unang una, hindi ikaw ang mama ko. Pangalawa, hindi bagay sayo. Pangatlo, diba may kaskype ka naman gabi-gabi? Bakit hindi siya ang tanungin mo hah?! Tsk." Inis niyang sabi bago inilihis ang tingin sa akin.

Kaskype gabi-gabi? Tangina HAHAHAHGAHAHAHAHAHAHA Mukha bang gadget yung salamin?!

Napatawa na ako ng tuluyan na naging dahilan ng pagtingin niya sakin ng masama. Hindi ko na siya pinansin at tinawanan na lang. Skype daw HAHAHAHAHA.

"Soonyoung." Seryoso niyang tawag kaya pinigilan ko muna ang tawa ko at tiningnan siya.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya hinawakan ang magkabilang side ng ulo ko at ilapit ang mukha niya sa akin.

"Sinabi ko naman sayo na gusto kita. Sana naman, seryosohin mo ako." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa dalawang mata ko. Napalunok ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa labi ko.

"S-seryoso naman ako a..." Sinubukan kong sumagot, pero hindi niya yun pinansin. Inilapit niya pa ang mukha niya sa akin at wala na akong nagawa pa kundi hintayin ang mga sumunod na mangyayari.

Hinalikan niya ako.

At doon ko narealize kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'paradise'.

〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

Locket Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon