[Paradise] How to be Kwon Soonyoung; Spotlight Baby

112 4 0
                                    

° Paradise °
Arc 2
How to be Kwon Soonyoung; Spotlight Baby
w o o z i

⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪

"Hinalikan niya ako..."

"Jusq Jihoon, pang69 mo na yan!" Puna sa akin ni Soonyoung na nakasimangot ngayon sa akin.

Tiningnan ko siya at inalis ko ang mga daliri kong nakahawak sa labi ko. Nginitian ko siya ng sobrang tamis na mas ikinalukot ng mukha niya.

"Hay nako. Lips ko pa rin yan, uy. Ibig sabihin nakipaghalikan ang precious lips ko sa gilagid ni Scoups?! EEEEW!" Nakabusangot niyang sabi na sinabayan pa ng pagtaas ng boses niya at weird na mga hand gestures. Natawa tuloy ako.

"Eew ka diyan. He's a good kisser. Nagenjoy ako. Feeling ko, napunta ako sa paraiso."

"OHMYGOSH! CRINGEEEE EEEW!"

Tinawanan ko na lang siya at pinanuod siyang magsirko-sirko sa kama ko. Sa mga nakaraang paguusap namin, napapansin kong sobrang hyper niya. Yung parang bata na hindi mapakali. Bigla na lang siyang nagbabounce bounce sa kinauupuan niya kahit seryoso ang usapan, o kaya, bigla na lang magsa-sayaw sayaw. Napapailing na lang ako minsan sa kanya.

"O, ano nang plano mo?" Tanong niya sa akin. Napaisip lang ako ng konti.

"Hayaan mo na muna. Marami pa namang oras diba? Sa ngayon, kaunting lessons pa kung paano ba maging ikaw."

Tumigil na siya kakatalon at inilapit ang mukha sa salamin. Medyo napaatras tuloy ako at napahawak sa dibdib ko sa gulat. Bumilis ang tibok ng puso ko at nanlalaki ang mata na napatitig na lang sa kanya.

"Okay! Lesson number two..."

—————————

"Ngayon naman, saksihan natin ang performance na inihanda ng ating 'pride' na si Kwon Soonyoung!"

Kasunod ng pagtawag na yun ay umugong ang mga palakpakan at mga sigawan ng mga audience. Kasunod din non ang pagbilis ng tibok ng puso ko at pagpapanic dahil TANGINA HOY HINDI AKO SI KWON SOONYOUNG. Oo, katawan niya to pero, ako to! Si Jihoon! Hindi ako si Kwon Soonyoung na magaling sumayaw! Hindi ako si Kwon Soonyoung na pride ng school na to! Hindi ako si Kwon Soonyoung tangina!

"Soons." Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Scoups na papalapit sa akin.

Lalo pa atang bumilis ang tibok ng puso ko. Argh.

Hinawakan niya ako sa dalawang balikat para pakalmahin ako tapos ay tinitigan niya ako sa dalawang mata.

"Kaya mo yan, okay? Kaya mo yan. Magperform ka hindi para sa kanila, kundi para sa sarili mo. Para sa taong mahal mo. Kaya mo yan. Wag kang magaalala. Nasa front seat ako." Seryoso niyang sabi sa akin bago hinalikan ang noo ko at tinapik ang balikat ko. Saglit siyang ngumiti bago ako iniwan dito sa backstage.

Kahit papaano ay kumalma naman ang puso ko. Napangiti din ako.

Magpeperform ako hindi para sa kanila, kundi para sa taong mahal ko.

Locket Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon