[Paradise] A Paradise Indeed

104 3 0
                                    

° Paradise °
Arc 2
A Paradise Indeed
w o o z i

⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪

Napamulat ako ng may maramdaman akong dumagan sa kamay ko. Bumungad sa akin ang puting ceiling. Napahinga muna ako ng malalim bago inilinga ang paningin. Sa palagay ko ay nasa isang hospital room ako. Napatingin ako sa side ko at nakita ko ang pigura ng isang lalaki na nakatungo habang mahigpit na hawak ang kamay ko.

Si Seungcheol?

Marahan kong ginalaw ang kamay ko para mapansin niya. Napaangat siya ng tingin at nakita ko ang namumula niyang mata na may malalaking eyebags. Nanlaki ang mata niya ng makita niyang gising na ako.

"Soonyoung! Okay ka na ba? May masakit pa ba sayo?" Inusog niya yung upuan niya papalapit sa akin at hinaplos ang pisngi ko. Napapikit ako at isinandal ang mukha ko sa kamay niya.

Hindi siya si Seungcheol. Si Scoups.

"Ano, gusto mo bang kumain muna? May orange dito, tsaka apples, o baka gusto mo ng gatas? Soons? May kailangan ka ba, hah?" Sunod sunod niyang tanong sa akin na naging dahilan ng mahina kong pagtawa.

"Okay lang ako... Tsaka minor damages lang naman ang natamo ko diba?"

"Hindi, Soons. Tatlong araw kang tulog. May fracture sa ribs mo. May malaki kang pasa diyan sa tiyan mo. Buti na nga lang ay wala kang naging head injury kung hindi ay baka napatay ko na ang baklang yun." Gigil na sabi ni Scoups. Hinawakan ko ang nakakuyom niyang kamay para pakalmahin siya.

"Salamat. Kung hindi dahil sayo, baka kung ano na ang nangyari dun." Nakangiti kong sabi sa kanya. Unti-unting namula ang mukha niya at iniwas niya ang tingin niya sa akin. Sa pagiwas niya ng tingin ay nakita ko ang sugat sa gilid ng labi niya at pasa sa bandang pisngi niya.

Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko at pinadampi yun sa balat niya. Napatingin agad siya sa akin. Mukhang pagaling na yung sugat at pasa niya.

"Scoups..." Bumuntong hininga ako pagkatapos ko tawagin ang pangalan niya.

"Mahal kita." Napapikit ako pagkatapos kong sabihin ang mga katagang yun. Nakaramdam ako ng mahinang kirot sa dibdib ko pero hindi ko na yun pinansin. Napamulat ako ng hawakan ni Scoups ang kamay ko na nasa pisngi niya.

"Talaga?"

Nakangiti akong tumango sa kanya at naramdaman kong nagunahan sa pagpatak ang mga luha ko. Pagbibigyan ko na ang sarili ko. Kailangan ko ding magsaya paminsan minsan. Ito na ang oportunidad ko para matupad na ang matagal ko ng gustong mangyari.

Napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang mga labi niya sa akin. Napahawak ako sa balikat niya at mas inilapit niya pa ang katawan niya sa akin.

Sa mundo ko, pwedeng bestfriend ko lang ang mahal ko. Hindi naman masama ang maghangad diba? Tao lang ako.

Gusto ko ding maranasan ang mahalin.

————————

Itinulak ni Scoups ang wheelchair ko papasok sa bahay namin. Ngayon ang araw na nadischarge na ako. Okay na ako, kaso lang hindi pa masyadong ayos yung fractured rib ko. Masyado lang OA si Scoup sa wheelchair kahit kaya ko namang maglakad. Medyo kumikirot nga lang yung ibabang parte ng dibdib ko. Idiniretso niya ako sa kwarto ko at tinulungang humiga sa kama ko. Kinumutan niya ako at umupo sa tabi ko.

Locket Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon