[Ephemeral] The Start of an Ending

101 4 0
                                    

°Ephemeral°
Arc 3
The Start of an Ending
w o o z i

⭕◀▶◀▶💮◀▶◀▶⭕

"I did it my waaaaaAaAaaaaayyyyy~"

"Hoy, tama na nga yan." Inagaw ko kay Soonyoung ang bote ng lintik na coke. Hindi ko alam na nakakalasing pala to, jusq.

"Hano bah Jehoon, kitah mo na nagshashaya pa kameh dito e." Saway naman sa akin ni Scoups na lasing na din at may hawak na bote ng red horse. Isa pa to.

Ano bang buhay to.

"Tumigil na nga kayo! Ano ba, tingnan niyo o! Maguumaga na. Tama na yan, may pasok pa tayo bukas." Sabi ko at inagaw na rin Kay Scoups ang red horse.

Hindi ko alam kung pano sila nagsimula, nagulat na lang ako na may tatlong bote na ng red horse na tumba tsaka dalawang coke in can. Nakatulog ata ako. Tapos pagkagising ko, nagkakantahan na sila ng my way. Tapos hindi sila tumitigil, paulit ulit lang na punyetang 'i did it my way' and kinakanta nila mga limang oras na ang nakakaraan.

Imagine the horror.

"Im doing it myyyy-"

Tinakpan ko ang bibig ni Soon young at hinila na siya mula sa pagkakasalampak niya sa mesa. Gago, ang bigat.

Hindi ko alam kung pano kami nakarating sa kwarto niya, (kinaladkad ko ata siya), at paano ko nagawang mabuhat siya at mailagay sa kama pero wag na nating pagusapan kasi nakakapunyeta.

Sunod naman na pinuntahan ko si Scoups na tumbado na rin at yakap yakap pa yung mga bote ng red horse. Tinulungan ko siyang makatayo at kinaladkad ko rin ata papunta sa kwarto niya ng naubusan na ako ng pasensiya.

"Jehoon, aray anuba."

"Tumahimik ka diyan. Iinom-inom kasi, di naman kaya." Bulong ko sa sarili ko na mukhang narinig ata ni Scoups.

"Si Soonyoung kaya ang nag-aya."

Napatigil ako sa pagkaladkad sa kanya sa narinig ko. Umindian sit naman siya sa sahig na mukhang handa na magstorytelling. Nakatayo lang ako habang tinitingnan siya at iniisip ang posibleng dahilan kung bakit nagpapakawasted 'tong mga ugok na 'to.

Umangat ang tingin niya sakin habang nakahalf closed ang mga mata niya.

"Hoy umupo ka, feeling matangkad ka diyan." Sabi niya sa akin.

Kung hindi lang 'to lasing, hinampas ko na 'to ng gitara ko.

Umupo na lang din ako sa sahig katapat niya at hinintay siyang magsalita. Mukhang seryoso naman ang sasabihin niya pero kung kagaguhan lang 'to, i swear, bubuhusan ko siya ng kumukulong tubig.

"May plano ka bang iwan si Soonyoung?" Seryosong tanong niya sa akin. Parang nawala bigla lahat ng kalasingan niya sa katawan.

May plano nga ba akong iwan si Soonyoung?

Hindi, wala.

Hindi ako, mismong tadhana lang talaga ang nagplano na paghiwalayin kami.

Sa mga nakalipas na linggo, nakalimutan ko na young bagay na 'to dahil hindi naman pinaalala sa akin ni Soonyoung. Masaya kami.

Locket Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon