[Bestfriendzoned] OPLAN: Pasagutin si Jeonghan; the preparation

100 4 0
                                    

° Bestfriendzoned °
Act 1
OPLAN: Pasagutin si Jeonghan; the preparation
w o o z i

⭐★⭐★⭐★⭐★⭐★⭐

"Any suggestions?" Tanong ko sa harap ng mga members ko na mariing nakatitig sa akin gamit ang mga mata nilang maiitim ang paligid. Dalawang araw na kaming nagmi-meeting pero wala kaming makuhang matinong booth na pwedeng gawin. Tapos dalwang araw na lang club fair na.

Kanina pa kami dapat nakauwi dahil kanina pa tapos ang klase pero eto at nagpapakabusy kaming magbrainstorm habang yung ibang club ay nagsesetup na ng booth.

"How about a pizza booth?"

"Nah. Glee club is a club specialized in music, more specifically, singing. Dapat connected dun ang booth natin."

"Then how about a singing pizza booth?"

"Still Nah. Any other suggestion?"

"Karaoke booth?"

"Too mainstream."

Napahinga uli ako ng may magtaas ng kamay. Sa dami nila at sa height kong to, hindi ko na makita yung mga nasa likod.

"Yes?"

Natigilan ako ng tumayo yung nagtaas ng kamay para sumagot. With his hair freely flowing on his broad shoulders, his angeic smile, it almost as if the whole world brightened up.

But then, my world was suddenly filled with thunders and a sound of glass shattering—my bad, it's my heart.

"Y-yes, Jeonghan?" I tried to smile at him.

"A Haranahin-mo-ako booth?"

Napakurap-kurap ako.

"Please explain further."

"Uhm, pwede tayong ihire para samahang mangharana yung magiging customer natin." Paliwanag niya.

Ohmyfuck yes!

"That's an awesome idea!" I applauded him. Nagpalakpakan din ang iba at pinuri si Jeonghan. "Okay, pwede ka nang umupo."

Humarap ako sa whiteboard at huminga ng malalim bago nagsimulang idrawing yung naisip kong booth.

Ang plastic ko talaga kahit kailan.

Nagdrawing ako ng maliit na version ng balcony sa whiteboard at pagkatapos ay ibinaba ko ang marker sa mesa.

"Gagawa tayo ng backdrop na mukhang balcony, 4 feet above the ground para may balcony feels din, may hagdan lang sa likod blah blah blah." Pageexplain ko sa navisualize kong pwedeng maging booth namin. Nang matapos ay nagtaas ng kamay ang si Hong Jisoo.

"Pero, Ji, we don't have enough time para gawin lahat yan."

Nginitian ko siya.

"I am not a president of this club for nothing." Sagot ko at isa-isa silang binigyan ng gagawin.

"I will give you task na hindi ganong time consuming, so you all can rest before the club fair. I am Lee Jihoon, I am a God of time management." Nakangiti kong sabi at kinindatan sila. They all cheered at me calling me 'Kamisama-kun'.

"As usual! You're the best, President Jihoon!" Someone yelled between the cheers at nakita kong si Seokmin yun. I smiled at him and gave him two thumbs up. Pagkatapos ng meeting ko sa Glee Club ay dumiretso ako sa clubroom ng Hiphop Club para naman sa meeting ni Seungcheol. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagpapansinan pero hindi ko naman kayang bitawan yung responsibilidad ko sa kanya.

Kahit na hindi niya ako pinansin kanina sa dorm namin at kahit na hindi niya ako sinabayan sa papasok ay okay lang. Prinsipyo ko na lang talaga ang motivation ko.

Kung tutuusin ay marami akong dahilan para umayaw na dito.

First and foremost, may gusto ako sa kanya tapos tutulungan ko siyang mapasagot yung gusto niya? Nakakatawa lang.

Pangalawa, stressed na nga ako sa sarili kong mga problema at gawain tapos poproblemahin ko pa to.

Pagatlo, magkaaway kami ngayon.

Napabuntong hininga na lang ako. Bestfriend ko kasi yun kaya kahit umabot pa ng ilang libo ang reason ko para hindi siya tulungan, tutulong at tutulong pa rin ako.

Nagulat silang lahat ng pumasok ako sa room nila sa gitna ng meeting ni Seungcheol. Si Chwe Hansol nga ay napanganga. Pati si Seungcheol ay natigil at napatitig sa akin.

Itinaas ko ang kamay ko habang naglalakad papunta sa upuan ko.

"Sorry sa pagiging late. Kakagaling ko lang sa club meeting. Please continue."

Nakita ko ang pigil na ngiti ni Seungcheol bago siya tumalikod at nagsulat sa whiteboard.

Napangiti na din ako. At least, bati na kami.

————————

"Tulungan mo nga ako dito." Sabi ko kay Seungcheol habang pinipinturahan ang 5 ft. na plywood na gagamitin naming balcony.

Agad namang lumapit sa akin si Seungcheol na may hawak na martilyo at glove sa isang kamay.

"Jihoon, pati yan, hindi mo maabot?!"

Inirapan ko siya na ikinatawa niya lang.

"Baliw, tulungan mo muna akong magpinta ng mga bulaklak dito sa baba." Sagot ko.

Kinuha niya ang isang brush at nagsimulang magpinta ng mga bulaklak.

"Tapos mo na ba yung railings?" Tanong ko sa kanya habang nagpipinta.

"Hindi pa e. Pero patapos na yun."

"Ako na lang ang tatapos." Sagot ko at tumayo pero agad niya akong pinigilan.

"Wag na. Baka masugat ka pa. Ikaw na lang ang magpinta nito." Sabi niya at iniabot sakin yung brush bago isinuot yung glove at kinuha yung martilyo.

"Magiingat ka diyan a."

"Opooo~"

Ginawa na namin ang kanya-kanyang gawain nang tahimik. Tumutulong si Seungcheol sakin ngayon dahil natapos na namin ang lahat ng preparasyon sa OPLAN: Pasagutin si Jeonghan. Hindi rin siya nagaalala para sa sarili niyang club kasi may vice president siya na gumagawa ng lahat. Ewan ko ba dito, kawawa naman yung vice president ng HipHop Club.

"A-aray!"

Nabitawan ko yung paintbrush at napatakbo kay Seungcheol. Nakita kong sinisipsip niya yung daliri niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Anyare?"

"Napukpok ko yung daliri ko." Naiiyak niyang sagot. Napailing iling na lang ako at kinuha ang kamay niya para tingnan.

Pulang pula yung buong kamay niya.

"Napukpok mo yung buong kamay mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hindi, kanina ko pa kasi natatamaan yung kamay ko kaya namula na ng buo."

"Ohmygoodness Seungcheol! You should've told me!"

"Eh at least tapos ko na yung railings mo. Tadaaah~!"

Napailing iling na lang ako habang nakangiti.

"Tara nga, libre kita ng fishball."

〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

Locket Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon