-Chapter Four-

9K 266 23
                                    


"SIKAT NA SIKAT ka na uli, Madam!" bungad ni Mischa kay Katrina nang dumating siya sa The Red Carpet nang umagang iyon.

"Anong sinasabi mong sikat na sikat?" Tanong ni Kat sa chief hairstylist niya. Dumiretso siya sa opisina niya sa salon. Nakasunod naman sa kanya si Mischa. Nahihiwagaan siya sa mga empleyado niya. Ni hindi siya binati man lang ng "Good morning." Kakaiba ang mga tingin ng mga ito sa kanya kaninang dumaan siya sa harap ng mga ito. Parang nakaismid ang mga ito. Ewan niya. Hindi siya sigurado.

But come to think of it, Mischa was right. Naging sikat siyang commercial model at celebrity noon. At kung hindi niya tinanggihan ang mga offers sa kanya ng mga talent manager upang maging artista ay malamang na sikat din siyang artista ngayon. Ngunit hindi niya pinangarap na maging isang aktres. Being on TV through her product endorsements and noontime show appearances were enough for her. Sa katunayan, hindi naman niya papasukin ang commercial modeling kung hindi lang nagkaroon ng financial problem ang pamilya niya noong high school siya nang maloko ang kanyang papa ng business partner nito hanggang sa malugi ang negosyo nitong trucking services. Hindi siya maikokonsiderang ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. They were in the middle-class. Everything they wanted and needed was well provided by her father. Kaya nang bumagsak ang negosyo ng kanyang ama at magkandautang-utang ito ay halos matuliro ito. May mga pagkakataong halos maputulan na sila ng kuryente dahil nade-delay ang pagbabayad nila roon. Naranasan din nila ng kapatid niya na late na makakuha ng exam dahil kulang ang pambayad nila ng matrikula. Sa trabaho lang ng kanyang ama sila umaasa ng kanilang ikinabubuhay. Isang plain housewife ang mama niya. Kahit kailan ay hindi nito naranasang magtrabaho mula nang magpakasal ito sa kanyang papa.

Siya ang panganay sa kanilang magkapatid. Gaya ng ibang mga panganay na anak, kahit sa murang edad niya ay nais niyang makatulong sa pamilya niya. Kaya naman naisipan niyang sumali sa "Search for the next cover girl" ng isang kilalang teenage fashion magazine sa Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand prize winner ng contest na iyon. Nang manalo siya roon ay pinalad din siyang makuha bilang endorser ng sikat na brand ng sanitary pad. Doon na nagsimula ang career niya bilang commercial model.

Napag-aral niya ang kanyang sarili sa kolehiyo at natulungan din niya ang kanyang ama na maitayong muli ang negosyo nito mula sa kinikita niya sa pagmomodelo. Nang makaipon na siya ng sapat at umayos na ang lagay ng kanyang pamilya ay huminto na siya sa pagtanggap ng mga produktong ie-endorso. She enjoyed being in the limelight, being the "it" girl. Ngunit alam niya sa puso niya na hindi iyon ang nais niyang gawin sa buong buhay niya. Alam niyang hindi pang habang buhay ang trabahong iyon. At sa totoo lang ay napagod din siya sa kangingiti at kakapa-cute sa harap ng camera. Pitong taon ba naman niyang ginawa iyon, eh.

"Madam, ikaw, ha. Malihim ka masyado," tukso pa ni Mischa sa kanya nang matahimik siya mula sa pagmumuni-muni.

Nilingon niya ito. Nilapag niya sa ibabaw ng executive table niya ang kanyang satchel bag. "Hindi ko maintindihan ang gusto mong sabihin, Mischa."

"Kunwari ka pa, madam. Kalat na kalat na kaya ang relasyon n'yo ni Sir Curtis! Ikaw ang hot topic nina Mylene bago ka pa dumating. 'Kala ko ba, hindi mo siya type, eh, bakit jowa mo na ngayon?"

Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya. Hindi pa naman siya pumapayag sa ipinapakiusap ni Curtis na gawin niya. Paanong nalaman na iyon nina Mischa? Wala naman ito sa party na dinaluhan niya dalawang gabi na ang nakakaraan. Ang bilis naman kumalat ng balita!

"It's all over the internet! Try mo kayang mag- log in sa Facebook, Twitter at Instagram mo. Malalaman mong kayo ni Sir Curtis ang trending ngayon sa Pilipinas."

"What?!" halos patiling sabi niya.

Lumapit si Mischa sa harap ng Macbook niya. Nagtype ito doon. Pagkatapos ay ipinakita nito sa kanya ang video nila ng "kissing scene" nila ni Curtis sa birthday bash ni Danny Meneses noong isang gabi.

A Stolen Kiss and A Love Charade (Published under PHR 2015) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon