-Chapter Seven-

7.8K 205 10
                                    



"KINAKABAHAN ako," ani Kat kay Curtis. Nag-aalala siya na baka hindi magustuhan ng mga magulang nito ang ihahanda niya. Kinse minutos bago mag-alas singko ng hapon, dumating si Curtis sa bahay nila upang sunduin siya.

"Di ba, nagpractice ka naman kagabi, 'sabi mo?" anaman nito. Tatlong oras lang ang tulog niya kanina. At magkasama silang nagsimba nito kaninang alas-diyes ng umaga. Nang matapos ang misa ay dumiresto sila sa supermarket upang bumili ng mga ingredients na kakailanganin niya sa putaheng ihahanda niya sa pamilya nito. Bitbit na ni Curtis sa isang kamay nito ang supot ng pinaglalagyan niyon.

Tumango siya. "Pero, paano kung pumalpak ako? Paano kung hindi magustuhan ng parents mo ang caldereta ko? Ayokong mapahiya sa senador!" worried na sabi niya.

Ngumiti ito. "Ano naman? Hindi man nila magustuhan ang luto mo, it doesn't mean we have to break up. 'Wag ka nang mag-alala diyan. Naniniwala ako sa kakayahan mo." Marahan pa nitong pinisil ang baba niya.

Tumaba ang puso niya sa sinabi nito. Talagang suportado siya nito kahit ilang beses niyang sinabi rito na baka mapahiya siya at ito mamaya sa mga magulang nito. Minsan tuloy ay hindi niya maiwasang isipin na tinototoo nito ang fake relationship dahil sa mga salitang sinasabi nito. His attention and care towards her seemed so real. Na hindi iyon isang pag-arte lang. Teka, umaasa na ba siyang hindi lang umaarte si Curtis?

Of course not! Tanggi ng isang bahagi niya.

Akala ko ba crush mo na siya? Ang gulo ng utak mo, girl! Sita naman sa kanya ng isang parte niya.

Gusto niyang tuktukan ang sarili niya sa mga naiisip niya! Maybe he was really that thoughtful. Hindi na dapat niya bigyan pa iyon ng ibang kahulugan.

Pagkatapos nilang magpaalam sa mga magulang niya ay lumabas na sila ng bahay nila. Magkahawak ang mga kamay na naglakad sila patungo sa bahay ng mga magulang ni Curtis. Lately ay nasasanay na siya sa mga simple gestures nito tulad ng paghawak nito sa mga kamay niya o pag-akbay. Kailangan nga niya talagang masanay dahil ayaw naman niyang mahalata ng mga tao ang pagkailang niya sa tuwing hinahawakan siya ni Curtis. Baka pagduduhan pa ang pagpapanggap nila bilang magkasintahan.

Pumasok na sila sa loob ng bahay nito. Sinalubong sila ng kapatid na babae ni Curtis na si Ate Gracey na noong mga bata pa sila ay madalas rin niyang makalaro ng barbie dolls. Ngayon ay minsan na lang niyang makita ito. Katulad niya ay napaka-busy din nitong tao. "Hello, Ate Gracey," nakangiting bati niya rito.

Ngumiti rin ito at bumeso sa kanya. "Hi, Kat. I'm glad na isinama ka ni Curtis ngayong gabi sa family dinner namin," bahagya nitong nilingon ang kapatid niya. "I still can't believe you two are now an item. Sino sa village na 'to ang hindi nakakaalam ng aso't pusang relasyon n'yo?"

"Nag-iba na ang ihip ng hangin. Nakakasawa na ang bangayan naming dalawa. Mas masarap pala ang maging girlfriend si Katrina." Kung posible lang ay tila halos mapunit na ang magkabilang gilid ng bibig nito sa luwang ng pagkakangiti nito.

Ngumiti lang siya sa sinabi ni Curtis. Kung makapagsalita ito ay tila in love na in love ito sa kanya. Bilib din talaga siya rito. Ang galing talagang umarte ng kamoteng ito, sa isip-isip niya.

"I knew it!" Kumikinang ang mga mata ni Ate Gracey sa kasiyahan. "Matagal ka nang in love kay Kat."

Tinapik ni Curtis ang braso ng kapatid nito na tila nahihiya pa itong malaman niya ang bagay na iyon. "'Wag mo nang ipagkalat, Ate Gracey." Bahagya siyang sinulyapan nito at muling ibinalik ang tingin sa kapatid nito. "Lalaki lang ang ulo niyang si Kat," dagdag pang sabi nito.

A Stolen Kiss and A Love Charade (Published under PHR 2015) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon