-Chapter Six-

8.7K 196 14
                                    







MULA sa pag tsi-check ng purchase orders ng The Red Carpet ay napaangat ang tingin ni Kat sa pinto nang kumatok at sumilip sa loob ng opisina niya ang assistant niyang si Madison.

"Ma'am Kat, may guwapong naghahanap sa'yo," halos mamilipit sa kilig na imporma nito sa kanya.

            Napakunot-noo siya. "Sino?" tumayo siya mula sa pagkakaupo.

            Mula sa likuran ni Madison ay lumitaw ang ulo ni Curtis. "Hi, sweetheart!" masiglang bati nito.

Nasorpresa siya na makita ito. Ang sabi nito sa kanya nang huling magkasama sila ay may provincial showcase ang banda nito sa Davao at tatlong araw itong maglalagi roon. Sa Biyernes pa dapat ang balik nito sa Maynila. "Akala ko ba nasa Davao ka?" Kahit sa simple nitong suot na white V-neck shirt, ripped jeans at converse sneakers ay malakas ang dating nito. Posible pala ang ganoon? He just almost took her breath away.

"Well, I've missed you badly. Iniwan ko na sila roon. Wala naman nang gagawin. By the way, may dala ako para sa'yo," ang sabi nito na may ngiti sa labi. Itinaas nito ang mga kamay nito na may bitbit na mga boxes na may tatak ng paborito niyang pastries at cupcakes sa paborito rin niyang coffee shop— ang Yuan's Coffee Shop.

            "Pasok ka," nakangiti ring wika niya. Ilang araw na hindi niya ito nakita at nakakapagtakang hinahanap-hanap niya ang presensya nito.

            Pinapasok ito ni Madison sa loob ng opisina niya. Bago pa maisara ni Madison ang pinto ay nahagip ng paningin niya ang nagkukumpulang mga empleyado niya sa labas ng kanyang opisina na sigurado siyang nakikiusisa sa kanila. Kinikilig na nagbubulungan pa ang mga ito. Tanggap na ng karamihan sa mga empleyado niya ang "relasyon" nila ni Curtis. At sila raw ni Curtis ay "match-made-in-heaven" sa isa't isa. Ngunit mayroon pa ring ilan sa mga tauhan niya ang alam niyang inis pa rin sa kanya.

            "Alam mo na ngayon na halos lahat ng empleyado ko ay may crush sa'yo. Buti at nakapasok ka pa rito ng buong-buo," aniya nang makalapit si Curtis sa kanya at inilapag nito sa table niya ang mga kahon ng cupcakes na dala nito.

            "Who cares about them? Biro lang. Alam ko namang matagal na akong pinagnanasaan ng mga empleyado mo," conceited na sabi nito.  "Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko gusto ang atensiyong binibigay nila sa akin. Pero ang mas mahalaga sa 'kin ay ang atensiyon mo," nakatitig sa kanya na sabi nito.

            Naumid ang dila niya sa sinabi nito. "'W-wag mo akong gamitan ng pagiging smooth talker mo. Wala naman tayong audience," aniya nang makabawi.

            Ilang saglit ang lumipas nang bigla ay tumawa ito. "Nagsisiguro lang ako. Baka sakaling may nakikinig sa 'tin diyan sa may pinto. Sound proofed ba itong office mo?"

             "Hindi. Pero sigurado akong wala nang nakaabang diyan. Sesante silang lahat kung nagkataon." She knew it. Umaarte lang ito. Ano pa nga ba ang bago? Why, Kat? Feeling mo totoo 'yung sinabi niya na atensyon mo ang mahalaga sa kanya? You're crazy to even consider it real.

"Walang pasalubong na galing sa Davao?" pag-iiba niya sa usapan. Sinilip niya ang cupcakes na laman ng kahon. Hindi niya napigilan ang sarili sa pagkatakam. Agad siyang kumuha ng isang piraso ng banana caramel flavored cupcake at kinagatan iyon. Napapapikit pa siya sa sarap niyon. The best talaga ang cupcakes na gawa ng Yuan's Coffee Shop. Ang balita niya ay pastry chef ang siyang gumagawa ng cupcakes at pastries sa Yuan's Coffee Shop at asawa ito ni Chef Jaeden ng Jae's Story.

            "Nasa kotse ko. Mamaya ko na lang ibibigay sa'yo bago ka umuwi. Anyway, nabasa ko ang tweet mo sa Twitter na nagke-crave ka sa cupcakes ng Yuan's, kaya 'ayan binilhan kita ng marami nang mapadaan ako doon kanina."

A Stolen Kiss and A Love Charade (Published under PHR 2015) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon