-Final Chapter-

14.2K 329 71
                                    


NAGULAT si Katrina sa lalaking nabungaran niya pagkalabas niya sa The Red Carpet. Pauwi na siya ng mga oras na iyon. Ilang araw nang inaabot na siya ng mga alas-nuebe nang gabi dahil hinihintay na niya ang closing time ng salon niya. Mas gusto niyang pagod na pagod na siya para pagkauwi niya ay makakatulog na siya agad at wala na siyang oras na isipin pa si Curtis— ang lalaking higit sa isang buwan na hindi nagpakita o nagparamdam man lang sa kanya.

Nakakaawa talaga siya. Hanggang sa mga sandaling iyon ay nangungulila siya rito at kung minsan ay umiiyak siya sa gabi sa tuwing naaalala niya ito. Pero wala siyang balak na ipahalata dito ang kamiserablehang nadarama niya. Baka tawanan lang siya nito.

Tumahip ang dibdib niya nang ngumiti si Curtis at lumapit sa kanya. He looked so gorgeous in his gray shirt under a black coat, his blue jeans and Converse sneakers. Bakit may ganoon pa? Bakit hinahangaan niya ang hitsura nito? Hindi ba't masama ang loob niya rito?

Mula sa likod nito ay inilabas nito ang pumpon ng mga pulang rosas. Iniabot nito iyon sa kanya na tinanggap naman niya. "I've missed you so much, sweetheart," may pananabik sa tinig na sabi nito. Yayakapin sana siya nito subalit umatras siya ng ilang hakbang dito.

"Missed me so much? Really?" sarcastic na tanong niya. Humigpit ang hawak niya sa pumpon ng rosas. Ano naman ang palabas nito ngayon?

Kumunot ang noo nito. "May problema ba?"

Umusok ang bumbunan niya. At talagang may gana pa itong itanggi ang ginawa nito sa kanya? "I'm not stupid, okay?" singhal niya rito sabay hampas dito ng bouquet. "And I don't need your roses!" pagkasabi niyon ay nagmamadali siyang sumakay sa kotse niya.

Sinundan naman siya nito. Bakas ang pagkabahala sa guwapong mukha nito. "I don't understand, Kat. Bakit parang... galit ka sa akin?" pinigilan ng kamay nito ang pagsara ng kotse niya.

She rolled her eyes in annoyance. "Puwede ba, alisin mo yang kamay sa pinto ng kotse ko? O gusto mong, ipitin ko 'yan?" sa halip ay sabi niya. Ini-start niya ang kanyang kotse. "Isa!" banta niya nang hindi pa rin nito inalis ang pagkakakapit nito sa pinto ng kotse niya.

Sinunod naman siya nito nang mapagtanto nitong seryoso siya sa banta niya. Nang umatras ito ay pinasibad na niya ang kotse niya at hindi na siya nag-abalang lingunin pa ito. Nais niyang makalayo na agad dito.

Nang makarating siya sa bahay nila ay dere-deretso siya sa kaniyang kuwarto. Pagkatapos mag-shower at makapagpalit ng pajamas ay agad siyang nahiga sa kama.

Hindi naman siya makatulog dahil si Curtis na naman ang laman ng isip niya. Buwisit talaga ang lalaking 'yon! Three days ago, she told herself she wanted to move on from him. Pagkatapos ngayon ay bigla itong susulpot sa harap niya. Nawiwindang ang daigdig niya!

At ganoon na lang ang gulat niya nang makarinig ng ingay sa labas ng bahay nila. Hindi na niya iyon pinansin pa. Tinatamad na siyang bumangon sa kama upang usisain pa ang kaguluhan doon.

"Katrina!" sigaw ng kung sino mula sa labas. Napabalikwas siya ng upo sa kama nang marinig niyang tinawag nito ang pangalan niya.

"Alam kong naririnig mo ako, Kat. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa'yo. Pero kung ano man 'yon, humihingi ako ng dispensa."

Oh, dammit! It was Curtis! Napatayo siya mula sa kama at napasilip sa bintana. There he was standing in front of their house, right there in front of her room. May dala itong amplifier at electric guitar. Nakatingala ito sa bintana niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Stolen Kiss and A Love Charade (Published under PHR 2015) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon