Chapter 6

1.1K 39 2
                                    

"Mommy lam mo po ba may kaface po yung friend ni Ninong. Yung nameet namin sa mall." Kwento sakin ni Nhaire habang binibihisan ko sila ng pantulog.

Kumabog naman ang dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ko na kailangan pang mag isip kung sino ang tinutukoy ng anak ko.

"Really?"

"Yes po mmy.. im curious, he also looks like Lexus mmy.. "

At doon na sumabog ang dibdib ko sa kaba.

"Baka nagkataon lang baby." I utter.

Parang gusto kong maiyak sa harap ng anak ko at sabibing 'He is your dad baby!'.

"Hmm yeah.."

Pasalamat na lang ako at natahimik na siya. Matapos kong bihisan si Nhaire ay nilapitan ko naman si Lexus saved side niya na naglalaro pa rin nung binili sakanya ni Jasper.

"Hey bigboy its time to sleep." Sabi ko.

Agad niya namang tinabi ang toys niya at humiga na. Pareho ko silang kinumutan and sing a lullaby hanggang sa unti unti na silang nakatulog.

Napabuntong hininga na lang ako.

"You just saw your father babies, sorry kung hindi niyo siya pwedeng makasama ha. I know mommy's being unfair pero ayokong masaktan kayo. Im doing my best to be the best mother i can para hindi niyo lang maramdamang kulang kayo." I whispered to them at hinalikan na sila sa noo.

Then i went to my room at natulog na rin..

The next following days ay naging busy ako.

Dad requested me na tumayo muna COO sa company since hindi pa pwedeng bumalik si Lolo. Nabibilang na ang mga araw ko. I know that one of these days ay magtatampo na ang mga landas namin.

Pero nakapagdesisyon na ko. I will not tell him about the twins. Im very sure masaya na siya sa buhay niya at baka masira lang yun kapag nalaman niya ng tungkol sa kambal.

I guess 3 years is enough of hiding from here. Siguro naman ay handa na akong harapin siya na hindi nanghihina.

"Maam, these are the list of the new investors in the company. Ang sabi po ng daddy niyo ay kayo na pong bahalang makipag meet sa kanila. You can request for a schedule to them or maybe you can all meet them in the Annual Ball this saturday." Explain sakin ng secretary ni Lolo.

"Hmm are they all present in the ball? Mukha yatang mahihirapan akong pag usapan ang business sa party. I still want a private meeting with them. Maybe after the party we can set a meeting in the conference room."

Tumango na lamang ito at nagnote.

Napahilot ako sa aking ulo.

And dami pa lang bagong investors. Im still not finish reading their bios and contracts siguro dahil na rin sa isinisingit ko ang enrollment nila Lexus at Nhaire.

I decided kasi na ipasok sila sa isang day care center. Alam kong masyado pa silang bata but ayoko namang nandito lang sila sa bahay. I want them to socialize with people at para na rin malingaw sila habang wala ako at nasa company.

I was reading some files when someone entered the living room.

Bumungad sakin si Zafrina na maraming dalang bags.

"Hi bes!! Sina Nhaire?" Agad niyang tanong.

"In the garden. Teka ano yan?"

"Uhm hehehe toys?"

I sighed.

"Bes naman diba i told you dont spoil the kids. Atsaka nung isang araw mo lang silang binilhan ah." Iling kong sabi.

Playing Innocent (Playboy Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon