Chapter 5

1.2K 41 9
                                    


Mataman kong pinagmamasdan ang mga anak ko habang mahimbing na natutulog.

I just sighed.

Nawala na ang kabang kanina ko pa nararamdaman nang makita ni Lexus ang litrato ni Demitri. Halos hindi ako makahinga habang hawak hawak ng anak ko ang litrato ng ama niya. Parang unti unti akong pinapatay ng konsensya ko.

"H-he is nothing baby..." yun lang ang nasabi ko sakanya. Hindi na ulit nagsalita si Lexus at tinignan ulit ang litrato. Binitawan niya ito at binalik sa ibabaw ng drawer.

Lihim akong napaluha sa eksenang yun. Nakita ko sa anak ko ang pagkasabik na makilala ang taong nasa litratong hawak niya.

Hinaplos ko ang noo nila at marahang hinalikan. Atsaka ako lumabas sa kwarto nila. Tinawagan ko ang bestfriend kong si Zafrina. Kailangan ko ang tulong niya.

"Good morning anak!" Bati sakin ni Mommy.

"Morning too Ma."

"Ang mga apo ko tulog pa ba?" She asked.

"Uhmm.. gising na po. Actually isasama ko sila sa lunch namin ni Zafrina. Matagal na din kasi simula nang nakalabas ang mga bata kaya nagdecide akong ipasyal sila." Mahaba kong lintana.

Simula kasi nang mawala si Nhaire noong una kaming namasyal ay hindi ko na muna sila pinapalabas lalo na at nakilala na rin sila ni Jasper. Pero laki ng pasasalamat ko at hindi niya sinabi kay Demitri. Nakokosensya ako, tinutulak ko silang magsinungaling sa kaibigan nila. Ayoko lang talagang magulo ang buhay ng mga anak ko.

"Well that's good para naman makapagbonding kayong mag iina."

Ngumiti na lang ako.

Matapos naming magbreakfast ay nagpahatid kami sa driver sa mall.

Pagkapasok ng restaurant ay agad kaming sinalubong ni Zafrina.

"Wow! Long time no see kids. Namiss niyo ba si Ninang?" Tanong ni Zaf sa mga bata.

"Yes po ninang!!" Sabi ni Nhaire habang si Lexus nakangiti lang.

"Naku! Ang cute talaga ng mga inaanak ko." At kinurot niya si Lexus sa pisngi.

Napatawa na lang ako nang bahagyang ngumiwi si Lexus.

"Hahaha, naku bes gumawa na lang kasi kayo ni Jasper." Biro ko.

"Hmp! Sa susunod na no! Hindi pa nga kami kasal eh. Bes ikaw ang maid of honor ko ha!"

"H-ha?? Paano--" She cut me.

"Naku matagal pa yun bes ano ka ba. Im sure nasabi mo na sakanya."

Natahimik na lang ako at naupo na kami.

Habang kumakain ay napalingon ako sa taong kakarating lang.

Agad siyang sinalubong ng halik ng bestfriend ko.

"Hi babe." Bati niya dito.

"Hi Candace long time no see." Ngiting sabi ni Jasper.

"Ahm bes sorry ha hindi na kita nasabihan na susunod si Jasper." Zaf apologized.

"Dont worry i made sure walang nakasunod sakin." Jasper said.

Ngumiti na lang ako.

"Its okay Jas ako nga dapat ang humingi ng pasensya eh. I let you lie to your bestfriend."

"I just hope you can fix this." Dagdag niya pa.

"Is this the twins?" Pag iba niya ng topic.

"Ah yes.. Nhaire, Lexus say hi to Tito Jasper." Sabi ko sa mga bata.

Playing Innocent (Playboy Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon