Chapter 4

1.2K 36 4
                                    


"Welcome everyone! Thank you for coming to the Annual Party Promotion for our new CEO of Mercado Corp and also the merging of Rodrigo Trades and Mercado Exportations."

Galak na sabi ng emcee habang nakatayo sa malaking stage sa harap ng mga empleyado, investors at pamilya ng tumaguyod sa dalawang kompanya.

We all clapped our hands as we introduced the merging of both companies. I am very happy that our company that my grandfather established is doing great and still standing on the top.

Pero sa lahat ng magagandang balita kabalikat parin nito ang mga masasama at nakakaintrigang mga balita.

Isa na roon ang pagiging isa kong tagapagmana sa lahat ng kayamanan ng pamilya ko since im the only heir in my family.

Sabi sabi din ng iba na problema daw ang pagiging babae ko sa pagpapatakbo ng buong kompanya. Tss, talaga bang problema yun? Gender is not a problem in this society this days. Kung ano ang kaya ng mga lalaki kaya na din ng mga babae ngayon. I didnt waste my four years in college and be a Cum Laude just to be a good for nothing brat.

"Oh ijah youre alone here, you should talk to our visitors especially the investors." Sabi ni Mom.

"Im fine Mom dont worry." I smiled and assured.

"Alright. Why dont you look for Demitri, the two of you should dance or have some fun since you two will be married in a few months." Mom.

Napahinga na lang ako ng malalim.

At tulad nga ng sabi ni Mom, we were married after a few months and that changed my whole life. Hindi ko inaakalang magiging ganoon ang kinahihinatnan ko. And i just wished it was just a mere nightmare.

Napatigil na lang ako sa pag iisip ng nakaraan ng biglang may tumawag sakin.

"Mommy? Arent we in the philippines yet?" Tanong ng prinsesa ko habang kusot ang mga mata. Mukhang napasarap ang tulog niya sa tagal ng byahe.

Kasama naman nina Dad at Mom si Lexus sa seating arrangement. Sakanilang dalawa kasi si Lexus ang mag independent. I can leave him over the night without my presence pero itong prinsesa ko talagang hindi kayang wala ako sa tabi niya ng matagal.

"We will land any minute baby. Are you excited?"

"Yes!! Yes!!" Masaya niyang sabi.

I just smiled then kissed her head.

Pero deep inside may namumuong takot sa dibdib ko and i dont like it.

Pagkalapag namin sa airport agad na kaming pumunta sa dati naming bahay. It is Lolo's house. Doon kasi ako tumira noon kasama siya since wala naman sina Dad. Even when i turned 18 i didnt request them to live independently like my bestfriend did dahil ayokong iwan si Lolo.

Speaking of bestfriend, i hope Zafrina is now happy. Halos limang taon ko din siyang hindi nakikita. The first year she was gone nagcocontact pa kami but this four we lost contact dahil lumayo din ako. Actually balak ko ngang sumunod sakanya noon sa States pero nahihiya ako. She is also in the state of moving on to that bastard Cervantes. Ang bestfriend ng DATI kong asawa.

"Wow Mom! This house is big!!!" Manghang sabi ni Nhaire.

"Its not a house Nhaire, its a mansion." Sabi naman ni Lexus using his serious face. Hayy... naku anak! Wag kang ganyan dahil naaalala ko na naman ang hayop niyong tatay!!!

Nang pumasok kami sa loob ng bahay ay agad kaming sinalubong ng mga katulong.

"Maligayang pagdating ho." Bati nila samin.

"Salamat sa inyo." Sabi ni Mom.

"Nana Lucing." Tawag ko. Siya ang mayordoma at halos siya na ang nagpalaki kay Dad dahil yaya siya nito noon. Siya rin ang nag alaga sakin nung nandito pa ako.

"Naku Candice ang laki laki mo na anak." Sabi niya. Niyakap ko naman siya at ganun din siya sakin.

"Ito na ba ang mga anak mo? Ang gaganda nila." Sabi pa niya habang nakatingin sa mga bata.

"Nana Lucing nasaan si Papa?" Tanong ni Dad.

Bigla namang nawala ang ngiti ng matanda.

"Nasa kwarto niya Carlos. Ang tagal niya kayong hinintay na bumalik at tiyak matutuwa siya kapag nakita kayo." Sabi ni Nana.

Agad namang pamunta sina Mom sa Kwarto ni Lolo. Ihinabilin ko muna kina Nana sina Lexus para dalhin sila sa dati kong kwarto at sumunod na kina Mom.

Pagpasok ko sa kwarto ni Lolo ay nakita kong nakaupo sila sa gilid ng kama habang kinakausap si Lolo na may aparatus sa bibig. Para yata ito sa paghinga niya.

"L-lolo.." mahina kong usal.

Napatingin naman sila sakin. Nakita ko ang pag iba ng itsura ni Lolo. Ang laki ng pinagbago niya. Pumayat ito at halos tumanda ng ilang taon...

"C-candice... a-apo." Utal nito habang inilalahad ang kamay.

Agad na akong lumapit sakanya at hindi ko na napigilang umiyak.

"Lolo naman eh! Ang pangit niyo na po! Ano ba yan hindi na ikaw ang gwapo kong Lolo." Biro ko sakanya.

Mahina naman siyang tumawa...

"Ngayong nandito ka na apo malakas na ko ulit." Sabi pa niya.

"Lolo magpagaling po kayo ha. Alam niyo po gusto kayong makilala nina Lexus at Nhaire. Maglalaro daw po kayo kaya dapat na kayong magpagaling." Sabi ko.

"Gusto ko na rin silang makita apo. Hayaan mo at gagaling din ako pangako yan."

Napangiti ako sa sinabi ni Lolo, ganoon din sina Mom at Dad. Mukhang may mabuti idinulot ang pag uwi namin.

Nauna na muna akong lumabas sa kwarto ni Lolo dahil may pag uusapan pa sila tungkol sa negosyo. Pinuntahan ko na lang sina Lexus sa kwarto ko na kasama ang yaya nila.

Pagpasok ko ay nakita ko silang naglalaro.

"Hi babies! Are you having fun here?"

"Mommy! Mommy! Is this youre room?! Its so huge! And there are a lot of toys! Can i play with them?!" Agad na tanong ni Nhaire.

Puno kasi ng teddybear at dolls ang kwarto ko kaya nagustuhan niya agad.

"Sure baby, you can have it all. Its Mommy's toys when im still a kid like you."

"Wow! Thank you Mommy!" She kissed my cheek at agad na kinuha ang malaking teddybear at naglaro.

Hinanap naman ng paningin ko si Lexus na saglit na nawala.

Pero agad akong sinalakay ng kaba ng nakita kong hawak niya ang isang lumang box na nakalagay sa mesa na nasa gilid ng kama ko.

Mabilis ko siya inilapit pero mas nagulat ako sa tinitingnan niya.

"L-lexus." Utal ko.

Napalingon naman siya na may pagtatako sa mukha.

"Mommy, who is this?" Tanong niya.

Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko.

Sa lahat lahat na pwedeng makita ni Lexus sa kwarto ko iyon talaga ang nakita niya.

It was a picture of him.

The Father of ny children.

**************

Lexus and Nhaire on the multimedia...

Playing Innocent (Playboy Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon