ASHLEY'S POV
I'm so thankful because of Fritz sya na naman naglayo sakin sa ex ko. Alam kong nandyan lang naman sya always for me. Pag kasama ko kasi sya nakakalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko dati.
I didn't expect na magtatanong sya saken ng ganon.
"Mahal mo pa ba si Andrew?".
Ayaw ko na kasi pag-usapan pa yong nakaraan. Bigla na lang tuloy ako nawala sa mood kaya nasungitan ko siya. Pero inaamin ko medyo naguilty ako sa ginawa ko specially nung tumanggi ako na ihahatid nya ko.
Nagkasagutan pa kami ng konti. Hays.
"I said ihahatid na kita!"
Pasigaw nyang sabi. Lalo tuloy ako nainis kaya sinagot ko siya.
"What's wrong with you Fritz!? Okay lang nga diba kaya please let me handle myself. Di naman kailangan na ihatid mo ko lagi".
Sobra kasi sya saken mag care. Alam nyo yun? Syempre hindi Hahaha. Kahit na busy sya sa maraming bagay pag may kailangan ako or problema pupuntahan nya ko para makausap lang. I know naiinis kayo saken dahil may tao na ngang nagpapakita sakin ng ganito ako pa yung nagrereklamo.
Ganito kasi talaga ko may pagka matigas ang ulo minsan, pag ayaw ko ayaw ko. Kabisado nya nako dahil matagal na kaming mag bestfriend ni Fritz.
Mga 2 pm nasa bahay na ko. Nasalubong ko si Mama pagdaan ko ng sala.
"O anak I don't have any idea why you left earlier, can you tell me what's the problem? ".
Hindi kasi alam ni Mama na break na kami ni Andrew kaya malamang nagtaka sya kung bakit hindi ako nagpakita don kaninang umaga. Nagtext lang kase ako na may aasikasuhin lang ako na importante. I told her na I'm going to explain everything when I got home. At ngayon eto na nga.
"Ma, sorry for lying. Matagal na po kaming wala ni Andrew". Nakayuko lang ako habang humihikbi.
Dahil sa nangyari samin ni Andrew I lied to my Mom. I don't want na mag-alala pa si Mama ayaw nya kong nakikitang umiiyak eh.
"Don't cry baby it's okay, I understand. Kaya pala napapansin ko before hindi na dito pumupunta si Andrew".
"Yes po Ma, He always want to talk to me pero ayoko po. Kaya lagi ko po siya iniiwasan at kanina po nung nakita ko siya tumakbo ulit ako sa kwarto".
"Then you left without even saying anything to me. Nag alala ako sayo anak kasi antagal mo bumaba eh akala ko may nangyari na sayo".
I looked my Mom halata sa mukha nya yung worried.
"Sorry Ma, Nagpatulong lang po ako kay Fritz na umalis para hindi po ako ni Andrew makita".
"Don't ever do it again ha, Alam mong magaalala ako ulit ako sayo. Then yung about sa inyo ni Andrew I think you need to talk para mas maliwanagan kayo ".
"Pero Ma wala na kaming dapat pag---".
"Anak meron, para maging malinaw na sa inyo kung ano ba talaga ang dapat and after nyan mas magiging maayos lahat".
"S-sige po Ma, I'll try".
"Always remember anak na nandito Lang ako if kailangan mo ng kausap okay?".
"Thank you po Ma, I love you".
"I love you too anak".
Sinabi ko kay mama na kumain na ko kaya umakyat na din ako sa kwarto para magpahinga.