Chapter 1: Happy birthday sa akin

33 3 0
                                    


Birthday ko ngayon at nagcelebrate kami ng pamilya ko sa isang magandang kainan ditto sa amin sa Cabuyao Laguna. Nahuli akong dumating dahil nakipagkita sakin ang mga kaibigan ko. Pagdating ko sa restaurant ay sinalubong ako ng buong pamilya ko. Nandoon din ang ex-girlfriend ko na si Angela pero bago mo ko husgahan, gusto ko lang sabihin na magkaibigan nalang kami at family friend naming siya. May dala syang regalo para sa akin galing sa kanila ng nanay nya. 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Masaya kaming kumakain noon nang may nakita akong matandang mag-asawa na nagcecelebrate ng 50th anniversary nila. Napaisip tuloy ako kung kalian ako makakakita ng babaeng makakasama ko habang buhay. Nag-aaral ako ng mabuti at makakatapos. Pakiramdam ko magiging maganda ang career ko kaso ang lovelife ko........ hanggang panaginip nalang siguro. Siya nga pala, ako nga pala si Thomas Malco; Tom nalang ang itawag mo sa akin.

Balik tayo sa birthday ko dahil ako ang bida ngayon; tapos na kaming kumain at oras na para umuwi. Inihatid ko si Angela sa bahay nila malapit samin at umuwi na rin ako. Humiga agad ako sa kama ko at binuksan ko ang social media account ko para magpasalamat sa mga bumati sakin; hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakaka-tulog.

The Girl Of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon